Sa Pilipinas, marami sa mamamayan ay nagdadasal bago kumain. Sa mga taong madasalin, sa susunod ay huwag nating kalimutang magpasalamat sa mga magsasaka na siyang nagbanat ng buto para lang may aanihin na siyang kakainin natin. Ang malungkot nito ay kalakhan ng lupa sa bansa ay pagmamay-ari ng iilang pamilya lamang, samantalang ang mga magsasaka ay nananatiling walang lupa at hawak sa leeg ng mga nagmamay-ari ng lupa o yung mga tinatawag na panginoong maylupa (landlord). Karamihan ng mga magsasaka sa Pilipinas ay nagugutom, baon sa utang, at hindi kayang pag-aralin ang mga anak.
Sa susunod na dasal, pasalamatan natin ang mga magsasaka. Sa susunod, ipagdasal din natin na magkaroon na sila ng sariling lupang sasakahin. Higit pa sa dasal, makiisa tayo sa kanilang pakikibaka para sa tunay na reporma sa lupa.
No comments:
Post a Comment