Simple lang. Magculture ng yeast. I-shake ito araw-araw. Ilan sa mga yeast cells ay lulubog at didikit sa sahig ng bote. Kunin ang mga yeast na ito at gumawa ng bagong culture nila. I-shake ang bagong culture araw-araw at kunin ang mga mabilis dumikit sa ilalim. Ulitin ito at pagkatapos ng dalawang buwan may isang uri na ng yeast na may kakaibang ugali kaysa sa ordinaryong yeast, isang bagong nilalang. Ito ay isang halimbawa ng tinatawag na "artificial selection". Ginagawa ito ng mga agrikulturista at magsasaka sa mahabang panahon para makapagpayabong ng binhi na may kaaya-ayang ugali.
No comments:
Post a Comment