Monday, April 23, 2012

Gaano kalaki ang Mindanao?

Ang pulo ng Mindanao ang pangalawa sa pinakamalaking pulo sa Pilipinas. Mas malaki pa ito sa doble ng laki ng bansang Netherlands o ng Denmark, dalawa sa mga mayayamang bansa sa kanlurang Europa. Halos kasinlaki nito ang bansang South Korea, isang napakaindustriyalisadong bansa sa silangang Asya. Mas malaki ito ng kaunti sa bansang Portugal, isang bansa na minsan ay makapangyarihan sa buong mundo bilang bansa sa Europa na nanguna sa pagpapadala ng maraming ekspedisyon sa buong mundo upang manakop. Mahigit isang daang bansa o teritoryo ang mas maliit pa sa Mindanao batay sa lawak ng lupain. Tingnan ang graph sa baba.


Link

No comments: