Tuesday, April 17, 2012

Ang Batang Musmos (Turkish: Kız Çocuğu)



Ang Batang Musmos
ni Nâzım Hikmet
(Salin mula sa English version ng Turkong orihinal)

Ako itong kumakatok sa iyong pinto
Ilang pinto na ang napuntahan ko
Ngunit walang makakakita sa akin
Sapagkat mga patay ay hindi na mapapansin

Namatay ako sa Hiroshima
Nakalipas ay sampung taon na
Ako ay pitong taong gulang na bata
Ang mga patay ay hindi na tumatanda

Una nag-apoy ang aking buhok
Pagkatapos mga mata'y nasunog
Aking katawan ay naging abo
Sa ihip ng hangin ito'y naglaho

Wala akong pangarap para sa sarili
Dahil ang batang natupok ng apoy
Ay hindi na nga makakain ng kendi

Ako ay kumakatok sa inyong pinto
Para makuha ang inyong pirma, mga tita at tito
Upang kailanman ay wala ng magliyab na bata
At sila ay makakatikim pa ng matamis na umaga




Kiz Çocugu

Kapıları çalan benim
Kapıları birer birer
Gözünüze görünemem
Göze görünmez ölüler

Hiroşima’da öleli
Oluyor bir on yıl kadar
Yedi yaşında bir kızım
Büyümez ölü çocuklar

Saçlarım tutuştu önce
Gözlerim yandı kavruldu
Bir avuç kül oluverdim
külüm havaya savruldu

Benim sizden kendim için hiçbir şey istediğim yok
Şeker bile yiyemez ki, kâat gibi yanan çocuk

Çalıyorum kapınızı…
Teyze, Amca, bir imza ver…
Çocuklar öldürülmesin
Şeker de yiyebilsinler




The Little Girl

It is me knocking at your door
At how many doors I’ve been
But no one can see me
Since the dead are invisible

I died at Hiroshima
That was ten years ago
I am a girl of seven
Dead children do not grow

First my hair caught fire
Then my eyes burnt out
I became a handful of ashes
blown away by the wind

I don’t wish anything for myself
For a child who is burnt to cinders
Cannot even eat sweets

I’m knocking at your doors
Aunts and uncles, to get your signatures
So that never again children will burn
And so they can eat sweets

Link

No comments: