Monday, May 23, 2011
Hindi ang DNA kundi ang mga protina ang nagbibigay buhay
Nakakainis minsan na ang bagal kong magbasa. Andaming librong dapat/gustong basahin pero ang bagal kong magbasa at ang bilis ko madistract kapag nagbabasa. Kaya madalas sa tren lang ako nakakapagbasa. Pero ganun pa rin either naaantok ako o nadidistract ako sa landscape.
ENIWEY! Sinimulan kong basahin ang librong Investigations ni Stuart Kauffman at maraming mga magagandang teorya ang kanyang nabanggit. Chapter 2 pa lang ako. Napaka-attractive yung tinatawag nya na "collectively autocatalytic systems". Sabi nya, hindi ang DNA transcription-translation ang tunay na pangunahing katangian ng buhay kundi ang buong organisasyon ng mga protina na nagtutulungan para mangyari ang mga proseso na kailangan para mabuhay ang mga chemicals/matter na bumubuo sa isang buhay na bagay.
Mahalaga ang DNA at RNA pero may isang yugto ng kasaysayan ng mga molecules (molecular evolution) na mga protina o kaparehong molecules lamang ang nag-eexist. Ito ang tinatawag na "prebiotic stage" at malamang nangyayari pa rin ito sa ating paligid ngayon. Ang patuloy na interaksyon ng mga molecules sa yugto ng prebiotic ay nagbunga sa pinakaunang buhay na bagay (living cell). Mga 3.5 billion taong nakaraan ito nangyari.
Yung tinatawag na "autonomous agent" ay dinefine nya sa Preface bilang "a system able to act on its own behalf in an environment". Isang halimbawa ay ang paggalaw/kaugalian ng isang bacterium para makahanap ng pagkain. Tama yung sinabi nya na lahat ng buhay na cells at organisms ay mga pisikal na sistema "lamang" (physical systems): binubuo lamang sila ng mga pinagsamang molecules. Sa ganyang aspeto, ang halaman, halimbawa, ay walang pinag-iba sa bato: pareho silang pisikal na sistema. So ang tanong nya: Ano ba dapat ang meron sa isang pisikal na sistema para "it can act on its own behalf"?
Sa ganyan ding pagtingin, (tingin ko lang; hindi pa ito nababangit sa libro so far) walang pinag-iba ang buhay na bagay sa lipunan. Ang isang buhay na bagay ay hindi lamang pinagsamang mga molecules--ang pagsama-sama ng mga molecules ay nabuo sa isang napakatagal na proseso na maaari nating tawaging napakalaking eksperimento ng kalikasan (nature's experiment). At ang kinalabasan ng prosesong ito ay ang pagsama-sama ng mga tamang uri ng molecules para makabuo ng isang buhay na bagay. Ganundin ang lipunan. Hindi lamang ito pinagsamang mga tao--ang pagsama-sama ng iba't ibang uri ng mga tao ay nakabuo ng isang klase ng lipunan. Ang pagsama-samang ito ay ibinunga ng mahabang kasaysayan (history) ng interaksyon ng mga tao sa kanilang paligid at sa isa't isa... At nagbabago/nag-eevolve din ang lipunan...
Mahabang kwento pero napakainteresante, at least para sa akin.
Ano ngayon ang kaibahan ng mga buhay na bagay (living things) sa mga di-buhay na bagay (non-living things)? Sana matapos kong basahin ang librong ito ni Kauffman.
Link
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment