Ngayon ko lang narealize kung sinu-sino yung limang audience sa seminar ko tatlong araw ang nakaraan. Yung isa pala yung nagsulat sa aklat na Elements of Applied Bifurcation Theory, although never ko naman talaga nagamit ang aklat na iyan. At mukhang natutulog sya (or at least nakapikit ang mata nya) sa huling kalahati ng aking seminar. LOL.
Yung isa naman ay kilala ko na kasi nagmeet na kami nung Workshop on Resonance and Synchronization. Retired na pala sya, pero isa sya sa dalawang hindi kailanman pumikit ang mata sa buong seminar ko. Sya ang nagsulat ng librong Nonlinear Differential Equations and Dynamical Systems. At di ko rin kailanman nagamit ang libro na yan although nabuklat ko na yan noon.
Yung nag-coordinate naman ng seminar ay ang nagsulat ng Local and Semi-Local Bifurcations in Hamiltonian Dynamical Systems na never ko rin nabasa.
No comments:
Post a Comment