Friday, December 09, 2011

Swapang at makasarili nga ba ang daga?

(Hango sa news article: Rats free each other from cages; Altruistic acts raise questions about whether the rodents feel empathy na sinulat ni Virginia Gewin, December 8, 2011.)

Ang mga daga, madalas mabansagang swapang at makasarili, ay maaaring hindi kasingsama ng kontrabidang imaheng minsan ipinipinta sa kanila. Sa isang bagong lathalang papel sa Science [1], ipinakita na ang mga hayop na ito ay tumutulong na palayain ang mga nakakulong na ibang daga -- kahit pa wala silang makuhang ganansya dito.

Dumadami ang mga pananaliksik na nagpapakitang ang mga hayop ay nakikinig din sa emosyon ng ibang kaparehang hayop. Subali't hindi malinaw noon kung ang mga daga nga ba ay kayang lampasan ang sarili nitong paghihirap para lang matulungan ang ibang daga.

Panoorin ang bidyo clip sa baba o ipagpatuloy ang pagbabasa...



Tingin ni Peggy Mason, isang neurobiologist sa University of Chicago, Illinois at siyang pangunahing manunulat ng nasabing papel, ay malaking hakbang ito para masagot ang katanungan. “This finding is the big kahuna — evidence that empathy motivates one individual to help another,” sabi nya. (Ang finding na ito ay isang patunay na natutulak ng empathy ang isang indibidwal para tulungan ang iba.)

Matapos ang dalawang linggong pagpapakilala, ilang pares ng daga ay inilagay sa isang arena. Ang isa ay nakakulong sa isang restrainer sa gitna, samantalang ang pangalawa ay malayang nakakagalaw sa paligid nito. Sa ikaanim o ikapitong araw, on average, natutunan ng malayang daga kung paano palayain ang nakakulong na daga. Madalang na binubuksan ng malayang daga ang kulungan kung walang daga sa loob o di kaya'y laruang daga lamang ang nasa loob nito.

Ipagpatuloy ang pagbabasa (Ingles).

Reference
[1] Bartal, I. B.-A., Decety, J. & Mason, P. Science 334, 1427–1430 (2011), Empathy and pro-social behavior in rats.

Link

No comments: