Friday, April 15, 2011

Egyptian Princess Mummy Had Oldest Known Heart Disease

Ang paniniwala ng maraming mga doktor at medical scientists ay makabago itong mga sakit na "blocked arteries" at "heart attacks". Inakala nila na ang lifestyle ng mga tao noong unang mga panahon ay hindi nagdudulot ng mga ganitong sakit. Ngunit ang paniniwalang ito ay mukhang magbabago dala ng bagong pananaliksik sa mga katawan ng Egyptian mummies. Ayon sa isang balita sa National Geographic, maaaring ang ikinamatay ng isang Egyptian princess na si Ahmose Meryet Amon ay coronary atherosclerosis, isang kondisyon na dulot ng buildup ng arterial plaque, na siyang naging dahilan ng heart attack o stroke.

Link

No comments: