Sunday, December 05, 2010

Natutunaw

Nagising ako mga alas-kwatro ng madaling araw dahil sa lakas ng tunog ng tagaktak ng tubig sa sahig. Dumadagundong ang pagbagsak ng isang tulo ng tubig kada ilang segundo. Bumangon ako at hinanap ang basahan para saluhin ang mga tulong nanggigising. Pagkatapos ay bumalik sa higaan at ipinagpatuloy ang paghihilik. Umakyat na naman pala lampas sa zero celsius ang temperatura.

Link

No comments: