Wednesday, October 24, 2012

Ang computer simulation ay isang uri ng eksperimento



Hindi ko mapigilang i-share itong isang pag-uusap sa isang episode ng palabas na CSI Las Vegas kung saan naghuhulog ng mga manikin si Dr. Grissom mula sa iba't ibang palapag ng isang gusali para makita kung saan nahulog ang isang biktima. Kung gagamitan ng teorya ng projectile motion ay hindi na kailangan nilang gawin ang paghuhulog ng mga manikin para malaman kung saan nahulog ang katawan. Ang binanggit niya na computer simulation ay maaari ng gawin gamit ang teoryang ito. Tama nga yung sinabi ni Sara na "old school" si Grissom sa pag-imply na hindi "science" ang paggamit ng computer simulation.

Umusbong ang computer simulation bilang isang pamamaraan para masagot ang mga katanungan sa larangan ng meteorology at nuclear physics pagkatapos ng World War II ayon sa isang libro ni Eric Winsberg (mababasa din ito sa isang article niya sa journal na Philosophy Compass). Ngunit sa panahon ngayon ay marami pa ring mga siyentista ang hindi ito naiintindihan o duda pa rin dito. Talaga ngang nag-aapply ang "law of uneven development" maging sa mga siyentista.


UPDATE (12:03 AM): Pasalamat naman ako at may napaisip sa post na ito, at heto ang palitan ng mga ideya.

N: May tanong pala ako. Kaya mo bang magsimulate ng walang modelo?

Me: hindi yata.

N: So yun yata ang sagot. Kase kung may modelo kana at kaya mo nang makita sa computer ang results, ano pang sense ng experimento?

Me: hindi ko gets ang tanong. sorry. paki-elaborate please. :)

N: Iniisip ko kase parang ganito...simulation ay hindi kapareho ng true experiments. 1) hindi yata* nagwowork ang simulation kapag walang model at 2) kung may model ka naman, malamang wala kanang makukuhang novel insights sa simulation kase nasa model na iyon. Tama ba iniisip ko?

Me: ay hindi. marami ding insights na nanggagaling sa computer simulations. wala akong ma-cite sa ngayon pero next time pag may maisip ako, i-share ko sayo. syempre ang computer experiments ay napapailalim pa rin sa walang tigil na proseso ng teorya-eksperimento-teorya.

N: Sa experiments, malalaman mong tama o mali ang model based sa experiment mo. Ang totoong arbiter ng truth ay kung ano ang pinakamalapit na nangyayari sa kalawakan. Anung silbi nang nangyayari sa loob ng computer kung hindi ito tugma sa tunay na nangyayari. Anung basehang ng tama o mali?

Me: syempre ang model galing sa actual na obserbasyon pero pinasimple (kaya model). tapos kapag pinagpatuloy ang proseso sa simpleng bersyon (model) sa pamamagitan ng computer (eksperimento) ay nagkakaroon tayo (hopefully) ng idea kung ano kulang sa model (teorya). tapos pwedeng maging motivation para sa totoong laboratory eksperimento para kumpirmahin.

N: But I agree, nagsisimulate din ako at may nakukuha rin akong mga bago pero hindi katulad ng nakukuha ko sa tunay na pagbubutingting.

Me: op kors. hindi ko naman sinasabi na stand-alone ang computer experiments. parte lang sya ng buong proseso. salamat sa comments. :)

N: salamat din sa pagpost. napaisip ako. kase nagsisimulate ako ngayon. pareho ang nakukuha ko sa simulation at experiments. napaisip ako tuloy kung ano ang silbi ng experiments.

Me: HAHAHA. wag mong iwanan ang totoong experiments. yan ang mas may value. kumbaga resulta lang naman ng teorya ang simulation results mo. at kung pareho sila ay maaaring tama ang teorya mo. walang katapusang proseso ito. walang katapusan. hehe ;)

N: oo nga. Minsan sa mga post, mapapaisip ka talaga. salamat.

Link

No comments: