Tuesday, March 27, 2012

Paano umusbong ang utak?

Evolutionary Surprise: Developmental 'Scaffold' for Vertebrate Brain Found in Brainless Marine Worm

Ang pinagmulan ng napakakumplikadong bahagi ng mga hayop na vertebrates ay nananatiling isang misteryo. "Sa kasalukuyang teorya ng evolution, tila umusbong ito nang basta na lang. Wala kang makikitang katulad nito sa ibang hayop," ayun kay Ariel Pani, isang mananaliksik sa Marine Biological Laboratory (MBL) na nasa Woods Hole at isang graduate student sa University of Chicago.

Subali't kamakailan sa peryodikong Nature, iniulat ni Pani at ng kanyang mga kasamahan na ang ilan sa mga genetic processes na nagreregulate sa pagbubuo ng utak ng vertebrates ay makikita din sa acorn worm, isang hayop na walang utak na nakatira sa ilalim ng dagat ng Waquoit Bay sa Falmouth, Massachusetts.

(Ang Nature paper ay mababasa dito ngunit nangangailangan ng subscription sa journal para mabasa ang buong papel.)

Basahin ang buong balita (English) dito.

Link

No comments: