Saturday, January 02, 2016

New Year's Resolution: Mga pahabol at dagdag sa mga babasahin sa taong 2016

Alternate title: A Slow Reader's Wish for New Year

Hindi talaga ako mahilig magbasa ng fiction. Tingin ko noon ay aksaya lang ng oras. Andami pa kasing mga nonfiction na dapat basahin. Mga philosophy books na tingin ko mas mahalagang mabasa. Mga science books (kasama na social sciences) na para sa akin ay mas prioridad na basahin. Ngunit hindi ko maipagkakaila na may kakaibang saya sa pagbabasa ng mga fiction literature. Kaya heto at gumastos ako ng P150 para sa sampung librong ito. Puro thriller. Karamihan ay crime mystery. Yes, P150 na lahat yan. Piling-pili sa Booksale. Hahaha.

Wala pa akong nabasa sa lahat ng authors dito maliban kay Michael Crichton (Prey) pero yung ibang pangalan ay pamilyar at minsan ko ng nababasa sa mga reviews maliban lang dyan sa apat na authors na pinili ko dahil sa genre: Susan Dunlap, Nancy Taylor Rosenberg, Dorothy Simpson, at Robert Goddard. Si Ian Rankin ay ilang beses ko ng nabasa sa mga balita at reviews kaya tingin ko sulit na basahin. Nasa parehong genre din. Ganun din si Patricia Cornwell. May isang author (Ruth Rendell) pa akong nakita dun sa bookstore na interesting din ngunit wala akong nahanap na murang kopya.

Ang isa dyan ay koleksyon ng short stories ni Ian Rankin. Yang Beggars Banquet. Kaya malamang yan ang uunahin ko bilang mas mabilis tapusin ang mga maiikling kwento. Bagay na bagay sa mabagal magbasa tulad ko.

Matagal ko ng planong magbasa ng Tom Clancy ngunit ngayon lang talaga nagkaroon ng sariling kopya. Sana matapos kong basahin ang The Hunt For Red October sa taong 2016. Ang The Lost World ay medyo last priority.

Siguro malaking factor na mabagal akong magbasa ay late na rin talaga ako nagbabasa ng fiction. Parang third year high school na yata ako nang mabasa ko ang pinakaunang librong fiction, isang children's book, The Rat-a-Tat Mystery. Ngayon ko lang nalaman na sikat pala ang author nito. Napansin ko lang kasi ito sa children's literature section sa Public Library nung mga panahong tumatambay ako doon at bored na sa mga librong binabasa kaugnay ng mga assignments. Ito ang napulot ko. Binasa maghapon or ilang araw yata na balikan. Di ko na maalala. Naaalala ko lang na tuwang-tuwa ako matapos mabasa ang libro ngunit di ko na maalala kung ano ang kwento dito.

Sana makabasa ako ng maraming fiction sa taong 2016.

Link

Friday, January 01, 2016

Mga New Year's Resolution sa paligid


Minimal selfies, more landscapes, and most importantly, lots of authentic life moments that don't require validation from photographs.
Ngayong 2016, nawa'y bawat isa sa atin ay magiging matatag sa pagharap sa mga hamon ng buhay. Alam nating lahat kung gaano kahirap ang maging Pilipino sa ilalim ng isang gobyernong walang malasakit sa kanyang mamamayan, sa isang gobyernong ipinapairal ang sistemang naglilingkod lang sa iilan at sa mga dayuhan at dambuhalang korporasyon. Ngayong 2016 ay patuloy tayong haharap sa isang hamon na isulong ang pagbabago sa bayan, hindi lamang sa pamamagitan ng eleksyon kundi higit sa lahat ay ang ating aktibong pakikilahok sa pagpapanday ng isang lipunang tunay na malaya, makatao, makatarungan, at payapa. Kaya laban lang! Be happy and be vigilant sa 2016!

Maging mulat sa mga isyung panlipunan. Magmulat, mag-organisa at kumilos! Tuloy ang laban! Padayon! Madasigong bag-ong tuig! Cheers for 2016!!!
Main/General:
Down with conservative targets!
Up with maximum targets!

Sub/Particular:
1. Identify with glorious victories before they even happen. Feel it, own it, maximize the power of visualization, and take pictures along the way.
2. Be more sociable, appreciate and love people based on their maximum potential. This entails good judgement and a mindful soundtrack: "I'll be judging you eternally..." Waiting for people's dramatic (and sometimes boring) unfolding is a waste of accumulated time and rice (as I get most of my energy from consumption of the latter).
4. Be optimistic, think positively only when I have significantly created conditions for fruitful outcomes. Otherwise, engage in self-criticism & self-loathing, and more importantly, be remorseful and wallow in regret for a maximum of 15 minutes. And then run after what can be saved, quick!
Fifteen years ago, I was lying on a hammock with trees silently guarding over us. In a few minutes, 1999 would give way to the 21st century.

We were deep in the village, far away from the town. At midnight, I half rose from my hammock and saw lights blazing in the distance, although the fireworks sounded weak from my place. No one from my kasamas that particular midnight was astir to greet the new millenium. The next day, we all left our place where we stayed for the night, to go to another village not really to partake of the sweet sticky rice that was served in several huts we went to, but more to share with the peasants on the challenges that the new millenium would pose to the people of the world, and of the continuing struggle against the three basic problems confronting them.

Last I heard, these peasant masses in that village, along with other peasants in other areas in the town, would not buckle down in spite of the terrible killings perpetrated against their leaders and organizers, and would be faithful to their commitment to challenge the system that has mired them in spiraling poverty.

We are going forward in this millenium of the 21st Century. Let our commitment be - that we do not grow weary and that we carry on the revolutionary optimisn in spite of the many twists and turns of this epochal struggle for liberation and social justice.
Ang new year's resolution ko pala para sa 2016 is.... WALA. Ok naman ulit ako. Siguro continue ko na lang 'yung mga ginawa ko this year which is pawang mga kabutihan naman lahat. Kayo na lang siguro 'yung mag-adjust. Para kasing shaky 'yung mga ugali n'yo this year 'eh. WOW.


Link

Monday, July 13, 2015

Maluwag pa ang Pilipinas!


April 27, 2014
* Sinulat sa loob ng Baganga Provincial Subjail

Sa datos ng gobyerno (NSCB) noong 2010, mayroong 92 milyong Pilipino ang nakatira sa lupaing may lawak na 340 libong kilometrong parisukat. Nakakalat tayo sa 7,107 na isla sa buong arkipelago bagamat 860 isla lang ang permanenteng may nakatira, mga 12 porsyento lang sa kabuuang dami ng lupaing nakausli sa karagatan sa may kanlurang gilid ng Karagatang Pasipiko. Ang buong populasyon ay nahahati hindi lang sa mga isla. Nahahati din tayo sa pamamagitan ng pulitikal na pagbabakod ng mga lupain sa antas barangay, munisipyo o lungsod, probinsya, at rehiyon. Sa purok na rin kung isasama pa natin ang yunit na ito, bagamat walang pambansang lawak na halalan ang itinatalaga para sa pamumuno dito. Mayroong 81 probinsya ang bumubuo sa labing-anim na rehiyon sa bansa. Hindi pa kasama dito ang National Capital Region (NCR) na binubuo naman ng labing-pitong lungsod. Sa antas munisipyo, nahahati ang bansa sa 1,494 na teritoryo. Ang bilang naman ng barangay ay nasa 42,027. Ngunit hindi lang sa iba't-ibang mga isla at pulitikal na teritoryo nahahati ang mga Pilipino; nahahati din tayo sa kultura, wika, relihiyon, hanapbuhay, at maging sa opinyon sa lahat ng isyung kinakaharap natin sa antas lokal hanggang nasyunal at, para sa ilang Pilipino, sa antas internasyunal.

Kung pagbabatayan ang sukatan ng Darwinian na pananaw sa pagiging fit ng isang species, panalo ang mga Pilipino sa larangan ng reproductive fitness. Sa taunang bilis ng paglobo ng populasyon na 2.1% (2010), ang Pilipinas ang pinakamabilis mapuno sa lahat ng bansa sa Timog-Silangan Asya (Southeast Asia). Ang Metro Manila naman ang pinakasiksik sa tao (most crowded) sa lahat ng lungsod sa buong mundo. Nasa mga 19,100 katao sa bawat kilometrong parisukat (sq. km) ang nakasiksik dito. Sa lahat ng rehiyon labas ng Metro Manila, nangunguna naman ang Calabarzon sa pinakasiksik (750 katao kada sq. km) at sinusundan ng Gitnang Luzon (461). Ang dalawang rehiyong ito ang nakapaligid sa Metro Manila kaya masasabing ang population distribution ng Pilipinas ay nakasentro sa NCR at numinipis habang lumalayo dito. Ganunpaman, may mga maliliit na sentro sa ibang bahagi ng bansa. Ang Gitnang Kabisayaan ay pumapangatlo sa pinakasiksik (428), at hindi ito nakakapagtaka dahil nasa gitna nito ang pangalawang sentro ng ekonomiya ng bansa, ang Metro Cebu, kung kasaysayan ang pagbabatayan.


Pang-apat sa pinakasiksik na rehiyon ang Rehiyong Ilokos (365) bagamat mas siksik pa kaysa sa lahat ng probinsya ng Gitnang Kabisayaan ang dalawang probinsya nito, ang La Union (495) at Pangasinan (510), na mas siksik din kaysa sa apat na probinsya (sa total na pito) ng Gitnang Luzon. Isang indikasyon ito na ang "kaunlaran" ay dumadaloy mula sa NCR papuntang hilaga sa pamamagitan ng La Union at Pangasinan. Hindi rin ito nakakapagtaka dahil may isa pang sentro ng ekonomiya sa hilaga na konektado sa dalawang lalawigang ito, ang Lungsod ng Baguio, kung saan ang sentro ng dalawang sangay ng gobyerno, ang ehekutibo at hudikatura, ay lumilipat sa panahon ng pinakamainit na buwan ng taon. Kaya naman ito ang tinatawag na summer capital ng bansa.

Bumalik tayo sa Metro Manila, kung saan nagsisiksikan ang 12 milyong Pilipino o 13 porsyento ng buong populasyon. Sa labingpitong lungsod nito, pinakamarami ang nakatira sa Quezon City (QC) o 2.8 milyon katao. Ngunit hindi ito ang pinakasiksik kundi panglabindalawa lang. Pinakasiksik ang tao sa Manila City kung saan 66,100 katao ang nagkukumpulan sa isang kilometrong parisukat. Sumunod dito ang Mandaluyong (35,300), Pasay (28,100), Navotas (28,000) at Caloocan (26,700). Ang Pateros naman ang pinakamaluwag sa Metro Manila (6,200) at dito rin may pinakakaunting tao (64,100 lang). Pwede rin nating idagdag na baka mas marami pang balut sa Pateros kaysa sa tao, ngunit wala akong datos na hawak para kumpirmahin ito.

Bago tayo dumayo sa lalawigan, mahalagang bangitin na ang mga numero para sa NCR ay kumakatawan sa dami ng taong naninirahan (residence) sa lungsod at hindi ito sumasalamin sa aktwal na dami ng tao sa lungsod na ito sa isang panahon, lalo na sa araw kung kailan nasa pagawaan, opisina, at iba pang lugar ng hanapbuhay ang mga tao. Kaya naman ang population density ng mga karatig na probinsyang Rizal (2,100), Cavite (2,000), Laguna (1,400), at Bulacan (1,000) ay matataas din. Dito din kasi umuuwi ang maraming naghahanapbuhay sa Metro Manila. Malamang may kaugnayan din dito ang mataas na siksikan ng mga tao sa lalawigan ng Pampanga na may 980 katao bawat sq. km at siguradong mas mataas pa ang bilang kung isasama ang syudad ng Angeles sa kalkulasyon.


Gaano ba kasiksik ang tao sa Pilipinas? Totoo ba na sobra-sobra na ang dami ng mga Pilipino (overpopulation)? Tingnan natin ang bilang. Sa populasyong 92 milyon at lawak ng lupain na 340 libong kilometrong parisukat, ang siksik ng tao sa ating bansa ay nasa mga 270 katao bawat kilometrong parisukat. Kasingsiksik ito ng islang probinsya ng Guimaras o ng Siquijor, parehong lugar na hindi pa ako nakakaapak. Napakaliit lang ng diperensya nito sa kasiksikan ng tao sa lalawigan ng Misamis Occidental (276), at sa nakikita ko sa probinsyang ito, napakaluwag pa ng mga lupain, marami pang matitirahan o "mapagtatamnan ng mga pangarap" kung gagamitin ang isang bahagi ng isang kanta ng Asin. Sa ganito kasiksik na lupain, maaaring pagsaluhan ng wala pang tatlong tao ang isang ektarya ng lupain at sama-sama itong pagyamanin. May mga pag-aaral akong nabasa noon na nagtatayang kailangan ng isang pamilya na may apat na tao ng kalahating ektarya ng sakahan upang ito ay magkaroon ng disenteng pamumuhay. Kung tama ito, maaari nating sabihin na ang tamang siksik ng populasyon ay dapat hindi tataas sa 800 katao sa bawat kilometrong parisukat. Masyadong maluwag pa pala ang Pilipinas kung pantay-pantay lang ang pagbabahagi ng lupain sa kasalukuyang populasyon. Kung 800 ang ating sukatan ng overpopulation, mangyayari ito kapag umabot ang populasyon sa 272 milyon. Malapit na ba itong mangyari o malayo pa?

Puntahan natin ang lugar kung saan matatagpuan ang pinakamababang bulkan sa bansa; ang bulkang Taal ay nasa lalawigan ng Batangas na may siksik ng populasyon na 760 bawat square kilometer. Para sa akin, napakaluwag pa ng Batangas. Ang unang impresyon ko pa nga noong una akong nakatuntong sa Batangas City ay "nasaan ang mga tao?" Malapit na sa 800 ang 760 ngunit hindi ko maituturing na overpopulated na halos ang Batangas. Naalala ko pa iyong huling pananaliksik na ginawa ng California Academy of Sciences sa karagatang nakapalibot doon kung saan may nakita silang mahigit tatlong daang (300) species ng marine animals na hindi nila nakita sa kahit anumang talaan ng mga hayop. Indikasyon iyon na hindi pa nakakarating sa tinatawag na carrying capacity ang lalawigang Batangas. Ang carrying capacity ay maituturing na limitasyon sa pagsasamantala ng likas-yaman sa isang lugar, at maaaring gamiting sukatan ng overpopulation.

Kung maluwag pa ang 800, gaano pala kasiksik ang isang populasyon upang umabot ito sa carrying capacity? Hindi ito madaling sagutin, ngunit maaaring sabihing nakadepende ito sa kung paano ginagamit ng populasyon ang kanyang likas-yaman (tulad ng matabang lupain) upang nakapaglikha ng pagkain at iba pa nitong pangangailangan. Ang paggamit ng mas mataas na antas ng teknolohiya para sa produksyon ay maaari ding makapagpataas ng carrying capacity ng isang lugar, bagamat hindi ito sapat na requirement. Para mas maunawaan natin, magbigay tayo ng isang halimbawa.

Kung ang produksyon ay kontrolado ng ilang tao lang sa dahilang sila ang nagmamay-ari ng lupain at iba pang kagamitan sa produksyon, ang karamihan ay walang magawa kundi paghatian ang kung anuman bahagi ng likas-yaman na hindi kontrolado ng iilan. Nangyayari ito sa buong mundo ayon sa UNDP na tumatayang 80 porsyento ng kayamanan sa buong mundo ay hawak ng 20 porsyento lang ng populasyon sa buong mundo. Ang natitirang 20 porsyento ng kayamanan ay pinaghahati-hatian at malamang ay pinag-aaagawan ng karamihan, ng 80 porsyento ng populasyon. Kumbaga ang apat na hati sa tinapay na hinati sa lima ay inangkin ng isang tao lang habang ang natitirang isang hati ay paghahatian pa ng apat na tao. Hindi malayong mag-aaway ang apat na taong ito, ngunit ang kanilang pag-aaway ay hindi dulot ng overpopulation kundi ng hindi pantay na hatian ng buong kayamanan. Medyo mababa pa ang tantya ng UNDP kumpara sa sinisigaw ng kilusang Occupy kung saan isang porsyento na lang talaga ang nagdodomina sa natitirang 99%.

Bumalik tayo sa Pilipinas. Napakadami na talagang tao sa mga sentrong lungsod lalo na sa Metro Manila. Bumibigay na nga pati ang MRT eh. Samantala, napakarami pang lalawigan ang maluluwag. Tandaan na 860 lang na isla ang permanenteng may nakatira. Mayroon pang 6,247 na islang bakante, ngunit karamihan dito ay maliliit kaya wala ding tumitira. Ang bilang ng lalawigan na mayroon lang hindi hihigit sa 100 katao kada kilometrong parisukat ay nasa labing-anim (16). Pito nito ay nasa pinakamalaking isla, ang Luzon, at lima sa pito ay nasa mga kabundukan ng Kordilyera. Ang lalawigan ng Benguet lang ang may mataas na siksik ng populasyon at hindi rin naman ito talaga mataas (193 kung hindi kasama ang Baguio). Ang magkatabing lalawigan ng Aurora at Quirino ay may 64 at 77 lang katao kada kilometrong parisukat, sa parehong pagkakasunod. Ang isla ng Batanes ay nasa 76. Sa rehiyong Mimaropa, dalawang lalawigan ang may mas mababa sa isa kada ektarya na siksik ng populasyon: Occidental Mindoro (77) at Palawan (napakababang 45 kapag hindi isasama ang lungsod ng Puerto Princesa).


Sa Kabisayaan, ang Eastern Samar lang ang may siksik ng populasyon na mas mababa sa isa kada ektarya, 92. (Kung nalilito na kayo, hatiin lang sa 100 ang bilang para mailipat sa ektarya mula sa kilometrong parisukat ang sukatan ng lawak) Hindi rin malayo ang sa Samar (121) at Northern Samar (160); lahat ay nasa pangatlong pinakamalaking isla sa bansa. Nagulat ako sa taas ng bilang para sa isla ng Biliran (302), bagamat mas siksik pa naman ng kaunti ang populasyon sa isla ng Camiguin (352) na mas malapit sa Mindanao.

Sa pangalawang pinakamalaking isla, ang "isla ng pangako", ang Mindanao, limang lalawigan ang may siksik ng populasyon na isa kada ektarya o mas mababa: Davao Oriental (91), Agusan del Norte (94) at Agusan del Sur (66), Maguindanao (91), at Lanao del Sur (62). Hindi rin naman ganun kataas ang bilang para sa iba pang lalawigan ng Mindanao kung saan pinakamataas na ang para sa Misamis Occidental at Davao del Norte (276).

Bago pa bumigay yang MRT, magsilipat na kayo sa lalawigan. Maluwag pa ang Pilipinas!


Link