Alternate title: A Slow Reader's Wish for New Year
Hindi talaga ako mahilig magbasa ng fiction. Tingin ko noon ay aksaya lang ng oras. Andami pa kasing mga nonfiction na dapat basahin. Mga philosophy books na tingin ko mas mahalagang mabasa. Mga science books (kasama na social sciences) na para sa akin ay mas prioridad na basahin. Ngunit hindi ko maipagkakaila na may kakaibang saya sa pagbabasa ng mga fiction literature. Kaya heto at gumastos ako ng P150 para sa sampung librong ito. Puro thriller. Karamihan ay crime mystery. Yes, P150 na lahat yan. Piling-pili sa Booksale. Hahaha.
Wala pa akong nabasa sa lahat ng authors dito maliban kay Michael Crichton (Prey) pero yung ibang pangalan ay pamilyar at minsan ko ng nababasa sa mga reviews maliban lang dyan sa apat na authors na pinili ko dahil sa genre: Susan Dunlap, Nancy Taylor Rosenberg, Dorothy Simpson, at Robert Goddard. Si Ian Rankin ay ilang beses ko ng nabasa sa mga balita at reviews kaya tingin ko sulit na basahin. Nasa parehong genre din. Ganun din si Patricia Cornwell. May isang author (Ruth Rendell) pa akong nakita dun sa bookstore na interesting din ngunit wala akong nahanap na murang kopya.
Ang isa dyan ay koleksyon ng short stories ni Ian Rankin. Yang Beggars Banquet. Kaya malamang yan ang uunahin ko bilang mas mabilis tapusin ang mga maiikling kwento. Bagay na bagay sa mabagal magbasa tulad ko.
Matagal ko ng planong magbasa ng Tom Clancy ngunit ngayon lang talaga nagkaroon ng sariling kopya. Sana matapos kong basahin ang The Hunt For Red October sa taong 2016. Ang The Lost World ay medyo last priority.
Siguro malaking factor na mabagal akong magbasa ay late na rin talaga ako nagbabasa ng fiction. Parang third year high school na yata ako nang mabasa ko ang pinakaunang librong fiction, isang children's book, The Rat-a-Tat Mystery. Ngayon ko lang nalaman na sikat pala ang author nito. Napansin ko lang kasi ito sa children's literature section sa Public Library nung mga panahong tumatambay ako doon at bored na sa mga librong binabasa kaugnay ng mga assignments. Ito ang napulot ko. Binasa maghapon or ilang araw yata na balikan. Di ko na maalala. Naaalala ko lang na tuwang-tuwa ako matapos mabasa ang libro ngunit di ko na maalala kung ano ang kwento dito.
Sana makabasa ako ng maraming fiction sa taong 2016.
No comments:
Post a Comment