Saturday, January 02, 2016

New Year's Resolution: Mga pahabol at dagdag sa mga babasahin sa taong 2016

Alternate title: A Slow Reader's Wish for New Year

Hindi talaga ako mahilig magbasa ng fiction. Tingin ko noon ay aksaya lang ng oras. Andami pa kasing mga nonfiction na dapat basahin. Mga philosophy books na tingin ko mas mahalagang mabasa. Mga science books (kasama na social sciences) na para sa akin ay mas prioridad na basahin. Ngunit hindi ko maipagkakaila na may kakaibang saya sa pagbabasa ng mga fiction literature. Kaya heto at gumastos ako ng P150 para sa sampung librong ito. Puro thriller. Karamihan ay crime mystery. Yes, P150 na lahat yan. Piling-pili sa Booksale. Hahaha.

Wala pa akong nabasa sa lahat ng authors dito maliban kay Michael Crichton (Prey) pero yung ibang pangalan ay pamilyar at minsan ko ng nababasa sa mga reviews maliban lang dyan sa apat na authors na pinili ko dahil sa genre: Susan Dunlap, Nancy Taylor Rosenberg, Dorothy Simpson, at Robert Goddard. Si Ian Rankin ay ilang beses ko ng nabasa sa mga balita at reviews kaya tingin ko sulit na basahin. Nasa parehong genre din. Ganun din si Patricia Cornwell. May isang author (Ruth Rendell) pa akong nakita dun sa bookstore na interesting din ngunit wala akong nahanap na murang kopya.

Ang isa dyan ay koleksyon ng short stories ni Ian Rankin. Yang Beggars Banquet. Kaya malamang yan ang uunahin ko bilang mas mabilis tapusin ang mga maiikling kwento. Bagay na bagay sa mabagal magbasa tulad ko.

Matagal ko ng planong magbasa ng Tom Clancy ngunit ngayon lang talaga nagkaroon ng sariling kopya. Sana matapos kong basahin ang The Hunt For Red October sa taong 2016. Ang The Lost World ay medyo last priority.

Siguro malaking factor na mabagal akong magbasa ay late na rin talaga ako nagbabasa ng fiction. Parang third year high school na yata ako nang mabasa ko ang pinakaunang librong fiction, isang children's book, The Rat-a-Tat Mystery. Ngayon ko lang nalaman na sikat pala ang author nito. Napansin ko lang kasi ito sa children's literature section sa Public Library nung mga panahong tumatambay ako doon at bored na sa mga librong binabasa kaugnay ng mga assignments. Ito ang napulot ko. Binasa maghapon or ilang araw yata na balikan. Di ko na maalala. Naaalala ko lang na tuwang-tuwa ako matapos mabasa ang libro ngunit di ko na maalala kung ano ang kwento dito.

Sana makabasa ako ng maraming fiction sa taong 2016.

Link

Friday, January 01, 2016

Mga New Year's Resolution sa paligid


Minimal selfies, more landscapes, and most importantly, lots of authentic life moments that don't require validation from photographs.
Ngayong 2016, nawa'y bawat isa sa atin ay magiging matatag sa pagharap sa mga hamon ng buhay. Alam nating lahat kung gaano kahirap ang maging Pilipino sa ilalim ng isang gobyernong walang malasakit sa kanyang mamamayan, sa isang gobyernong ipinapairal ang sistemang naglilingkod lang sa iilan at sa mga dayuhan at dambuhalang korporasyon. Ngayong 2016 ay patuloy tayong haharap sa isang hamon na isulong ang pagbabago sa bayan, hindi lamang sa pamamagitan ng eleksyon kundi higit sa lahat ay ang ating aktibong pakikilahok sa pagpapanday ng isang lipunang tunay na malaya, makatao, makatarungan, at payapa. Kaya laban lang! Be happy and be vigilant sa 2016!

Maging mulat sa mga isyung panlipunan. Magmulat, mag-organisa at kumilos! Tuloy ang laban! Padayon! Madasigong bag-ong tuig! Cheers for 2016!!!
Main/General:
Down with conservative targets!
Up with maximum targets!

Sub/Particular:
1. Identify with glorious victories before they even happen. Feel it, own it, maximize the power of visualization, and take pictures along the way.
2. Be more sociable, appreciate and love people based on their maximum potential. This entails good judgement and a mindful soundtrack: "I'll be judging you eternally..." Waiting for people's dramatic (and sometimes boring) unfolding is a waste of accumulated time and rice (as I get most of my energy from consumption of the latter).
4. Be optimistic, think positively only when I have significantly created conditions for fruitful outcomes. Otherwise, engage in self-criticism & self-loathing, and more importantly, be remorseful and wallow in regret for a maximum of 15 minutes. And then run after what can be saved, quick!
Fifteen years ago, I was lying on a hammock with trees silently guarding over us. In a few minutes, 1999 would give way to the 21st century.

We were deep in the village, far away from the town. At midnight, I half rose from my hammock and saw lights blazing in the distance, although the fireworks sounded weak from my place. No one from my kasamas that particular midnight was astir to greet the new millenium. The next day, we all left our place where we stayed for the night, to go to another village not really to partake of the sweet sticky rice that was served in several huts we went to, but more to share with the peasants on the challenges that the new millenium would pose to the people of the world, and of the continuing struggle against the three basic problems confronting them.

Last I heard, these peasant masses in that village, along with other peasants in other areas in the town, would not buckle down in spite of the terrible killings perpetrated against their leaders and organizers, and would be faithful to their commitment to challenge the system that has mired them in spiraling poverty.

We are going forward in this millenium of the 21st Century. Let our commitment be - that we do not grow weary and that we carry on the revolutionary optimisn in spite of the many twists and turns of this epochal struggle for liberation and social justice.
Ang new year's resolution ko pala para sa 2016 is.... WALA. Ok naman ulit ako. Siguro continue ko na lang 'yung mga ginawa ko this year which is pawang mga kabutihan naman lahat. Kayo na lang siguro 'yung mag-adjust. Para kasing shaky 'yung mga ugali n'yo this year 'eh. WOW.


Link