Monday, July 02, 2012

Ren Qing: Paano ka makikilala ng ibang tao?



Ito ang paborito kong Chinese character. Nakuha ko ito sa isang kaibigang Intsik na nag-aaral din dito at nakilala ko sa isang poster session ng aming research school. Napag-usapan kasi namin kasama ng isa pang estudyanteng Intsik na bago pa lang dito ang tungkol sa sitwasyon nya sa kanyang opisina partikular kung paano sya pakitunguhan ng kanyang mga katrabaho. Ang pagkaalala ko ay parang hindi nya gaanong gusto kung paano sya pakitunguhan nila. Nabanggit ko na dapat syang sumama sa araw-araw nila na coffee break kahit pa hindi sya mahilig magkape kasi isang pagkakataon iyon na makilala nya ang kanyang mga katrabaho at makikilala din sya nila. Sabi ko na maaaring magbabago ang pakikitungo sa kanya ng mga katrabaho nya kung siya din ay mas makilala nila. Sumang-ayon naman ang isang Intsik at binanggit itong "ren qing" at pinasulat ko sa kanya ang karakter nito. Kung tama itong intindi ko, ang "ren qing" daw ay yung personalidad ng isang tao na malalaman lamang ng iba kapag lagi siyang nakikisalamuha nila.

Link