Friday, May 27, 2011

Seminar sa Utrecht University

Ngayon ko lang narealize kung sinu-sino yung limang audience sa seminar ko tatlong araw ang nakaraan. Yung isa pala yung nagsulat sa aklat na Elements of Applied Bifurcation Theory, although never ko naman talaga nagamit ang aklat na iyan. At mukhang natutulog sya (or at least nakapikit ang mata nya) sa huling kalahati ng aking seminar. LOL.

Yung isa naman ay kilala ko na kasi nagmeet na kami nung Workshop on Resonance and Synchronization. Retired na pala sya, pero isa sya sa dalawang hindi kailanman pumikit ang mata sa buong seminar ko. Sya ang nagsulat ng librong Nonlinear Differential Equations and Dynamical Systems. At di ko rin kailanman nagamit ang libro na yan although nabuklat ko na yan noon.

Yung nag-coordinate naman ng seminar ay ang nagsulat ng Local and Semi-Local Bifurcations in Hamiltonian Dynamical Systems na never ko rin nabasa.

Link

Wednesday, May 25, 2011

Dati pala ay American time ang gamit ng Pilipinas

Unang nalaman at nakuha ko ito mula sa isang German mathematician dito sa Netherlands:
the (Spanish) government of the Philippines switched from American to Asian date in 1844 (or 1845). And in fact, the American date had only been in use where the Spanish DID govern. In 'rebellious' places like most (all?) of Mindanao the Asian date had already been in use before.
Marami pa talagang aspeto ng kasaysayan ng aking bansa ang hindi ko alam. Absent siguro ako nung tinuro ito.

Link

Monday, May 23, 2011

Hindi ang DNA kundi ang mga protina ang nagbibigay buhay


Nakakainis minsan na ang bagal kong magbasa. Andaming librong dapat/gustong basahin pero ang bagal kong magbasa at ang bilis ko madistract kapag nagbabasa. Kaya madalas sa tren lang ako nakakapagbasa. Pero ganun pa rin either naaantok ako o nadidistract ako sa landscape.

ENIWEY! Sinimulan kong basahin ang librong Investigations ni Stuart Kauffman at maraming mga magagandang teorya ang kanyang nabanggit. Chapter 2 pa lang ako. Napaka-attractive yung tinatawag nya na "collectively autocatalytic systems". Sabi nya, hindi ang DNA transcription-translation ang tunay na pangunahing katangian ng buhay kundi ang buong organisasyon ng mga protina na nagtutulungan para mangyari ang mga proseso na kailangan para mabuhay ang mga chemicals/matter na bumubuo sa isang buhay na bagay.

Mahalaga ang DNA at RNA pero may isang yugto ng kasaysayan ng mga molecules (molecular evolution) na mga protina o kaparehong molecules lamang ang nag-eexist. Ito ang tinatawag na "prebiotic stage" at malamang nangyayari pa rin ito sa ating paligid ngayon. Ang patuloy na interaksyon ng mga molecules sa yugto ng prebiotic ay nagbunga sa pinakaunang buhay na bagay (living cell). Mga 3.5 billion taong nakaraan ito nangyari.

Yung tinatawag na "autonomous agent" ay dinefine nya sa Preface bilang "a system able to act on its own behalf in an environment". Isang halimbawa ay ang paggalaw/kaugalian ng isang bacterium para makahanap ng pagkain. Tama yung sinabi nya na lahat ng buhay na cells at organisms ay mga pisikal na sistema "lamang" (physical systems): binubuo lamang sila ng mga pinagsamang molecules. Sa ganyang aspeto, ang halaman, halimbawa, ay walang pinag-iba sa bato: pareho silang pisikal na sistema. So ang tanong nya: Ano ba dapat ang meron sa isang pisikal na sistema para "it can act on its own behalf"?

Sa ganyan ding pagtingin, (tingin ko lang; hindi pa ito nababangit sa libro so far) walang pinag-iba ang buhay na bagay sa lipunan. Ang isang buhay na bagay ay hindi lamang pinagsamang mga molecules--ang pagsama-sama ng mga molecules ay nabuo sa isang napakatagal na proseso na maaari nating tawaging napakalaking eksperimento ng kalikasan (nature's experiment). At ang kinalabasan ng prosesong ito ay ang pagsama-sama ng mga tamang uri ng molecules para makabuo ng isang buhay na bagay. Ganundin ang lipunan. Hindi lamang ito pinagsamang mga tao--ang pagsama-sama ng iba't ibang uri ng mga tao ay nakabuo ng isang klase ng lipunan. Ang pagsama-samang ito ay ibinunga ng mahabang kasaysayan (history) ng interaksyon ng mga tao sa kanilang paligid at sa isa't isa... At nagbabago/nag-eevolve din ang lipunan...

Mahabang kwento pero napakainteresante, at least para sa akin.

Ano ngayon ang kaibahan ng mga buhay na bagay (living things) sa mga di-buhay na bagay (non-living things)? Sana matapos kong basahin ang librong ito ni Kauffman.

Link

Sunday, May 22, 2011

Quote of the day: socialism has not failed

Hindi ko pa talaga nabasa ang buong article (oo, ang bagal ko magbasa) ni Pao-Yu Ching na Rethinking Socialism: What is Socialist Transition, pero gusto ko lang i-quote yung dulong paragraph:
During the past century, thousands of millions had taken up the task to advance their societies toward socialism. Unfortunately, the first round of attempts to build socialism failed. We need to learn from their valuable experiences, because thousands of millions will take up the task again in the future. Socialism has not failed, because we have not yet entered its threshold.

Link

Sunday, May 15, 2011

Maraming economic data

Para sa mga nananaliksik sa ekonomiks, maraming mga datos ang makukuha sa website ng Groningen Growth and Development Center. Medyo kaunti nga lang ang datos sa Pilipinas kasi mukhang ilang bansa lang ang pinagtutuunan nila ng pansin.

Link

Tuesday, May 10, 2011

Meron pa kayang gumagamit ng Windows Live Messenger?

Microsoft goes on the defensive with Skype acquisition
By Mikael Ricknäs
May 10, 2011 08:33 AM ET
Source: ComputerWorld

IDG News Service - Microsoft's $8.5 billion acquisition of Skype is largely seen as a defensive move by analysts, as the company struggles to keep up with the likes of Google and Facebook on the Internet.

There is a huge battle that only continues to intensify over where users go on the Internet for their services. Companies including Google, Apple, Facebook and Microsoft need to attract users, and that is what a deal to acquire Skype is all about, according to Paolo Pescatore , analyst at CCS Insight.

Microsoft seems to feel it needs to fight back, and the deal looks like a largely defensive move to prevent its rivals from acquiring Skype, Pescatore said. Microsoft doesn't really need to make the acquisition, because it has all the technical assets it needs to compete with Skype...

Read more

Link

Sunday, May 08, 2011

Palayain ang mga nanay! Happy Mothers' Day!

Ang pagtulong sa gawaing bahay ay isang paraan ng pagpapalaya sa mga nanay nang sa gayon sila din ay makalahok sa pagpapalaya ng bayan.



Tula ni Lorena Barros

Ano ang isang ina?
Mayamang hapag ng gutom na sanggol.
Kumot sa gabing maginaw.
Matamis sa uyayi.
Tubig sa naghahapding sugat.

Ngunit ano ang isang makabayang ina?
Maapoy na tanglaw tungo sa liwayway,
sandigang bato.
Lupang bukal ng lakas sa digma.
Katabi sa laba't alalay sa tagumpay ang aking ina.



Mother's Day Proclamation
By Julia Ward Howe 1870

Arise, then, women of this day!

Arise, all women who have hearts,
Whether our baptism be of water or of tears!

Say firmly:
"We will not have great questions decided by irrelevant agencies,
Our husbands will not come to us, reeking with carnage, for caresses and applause.
Our sons shall not be taken from us to unlearn
All that we have been able to teach them of charity, mercy and patience.
We, the women of one country, will be too tender of those of another country
To allow our sons to be trained to injure theirs."

From the bosom of the devastated Earth a voice goes up with our own.
It says: "Disarm! Disarm! The sword of murder is not the balance of justice."
Blood does not wipe out dishonor, nor violence indicate possession.
As men have often forsaken the plough and the anvil at the summons of war,
Let women now leave all that may be left of home for a great and earnest day of counsel.

Let them meet first, as women, to bewail and commemorate the dead.
Let them solemnly take counsel with each other as to the means
Whereby the great human family can live in peace,
Each bearing after his own time the sacred impress, not of Caesar,
But of God.

In the name of womanhood and humanity, I earnestly ask
That a general congress of women without limit of nationality
May be appointed and held at someplace deemed most convenient
And at the earliest period consistent with its objects,
To promote the alliance of the different nationalities,
The amicable settlement of international questions,
The great and general interests of peace.

Link