Thursday, July 10, 2003

Projectile motion in a murder mystery

Photo from here
A person shoved out of a window makes just as good as a projectile as a golf ball rolling off a table. Read the murder mystery entitled A Damnable Man that follows. In order to solve the crime, read the section on projectile motion in your text carefully and reason out for yourself what variables might be important in solving the crime. In fact, not all of the information given in the mystery is relevant and some information, which you can find for yourself by observation and experiment, is missing. Solve the crime by presenting a clear explanation of the equations and calculations you used. (Hint: If you are in the physics lab and shove your lab partner fairly hard, you will likely find that your partner end up with a speed of about 2 m/s.)

A Damnable Man
by Kevin Laws

It is warm, quiet, humid night in the city---the traffic has died away and there isn't even a cooling breeze. There is a busy hotel that is so well built that sounds don't carry through the windows. The hotel has impressively large rooms. This is obvious from the outside because there is more space between floors and rooms than normal. The rooms appear to have 14-foot-high ceilings, nice plate glass windows that slide open, and fully two-foot-thick floors for ducting and sound insulation. This is the type of hotel that people like to stay at when someone else is paying the bill.

Outside the hotel, a man is speaking quietly with the doorman, then begins to measure the plush runway carpet for replacement. He is reeling out the tape measure between the hotel and the curb when a scream breaks the quiet. Looking up, he sees a man falling toward him. Stunned, he drops the tape measure and runs for the safety of the hotel. The doorman stands, horrified, as the man completes his fall with a sickening sound, ensuring that the carpet must be replaced. At intense times, people can think of the strangest things, and the carpet-man finds this to be true... all he can think of are bloodstains left on his tape measure. Even if they are cleaned off, he doesn't hink he can use it again without thinking of tonight. Even measuring with another will be hard, and 18 feet will be indelibly marked in his memory---that's where the blood stains are.

The police arrive and quickly conclude it is not a suicide---among the victim's personal effects, they find pictures and records that indicate he has been blackmailing four other occupants of the hotel. He also has bruises on his shins where the ledge at the bottom of the tall hotel window would have hit them; he must have been pushed pretty hard. Adam Able is the dead man's name, as it appears on the driver's license in his wallet. His license indicates that Adam was 5'11" tall and weighed 160 lb. He has been blackmailing Adrianna Myers, a frail widow in Room 356; Steven Caine, a newspaper reporter in Room 852; Mark Johnson, a body builder in Room 1956; and Stanley Michaels, an actor in Room 2754. All of the suspects admit they were in their rooms at the time of the murder.

Who killed Adam Able?

Link

Saturday, March 22, 2003

Hinihintay



Hinihintay
Bong Ramilo

Hinihintay ang pagtatapos ng isa pang araw ng paggawa
Nagmamadali sa pag-uwi dala ang gamot ng panganay
Iduduyan niya hanggang mahimbing
Tuwing pag-ubo ay hahaplusin
Ihehele niya at magigising
Nagtataka di-gumagaling

Hinihintay umigsi ang pila ng nag-aabang sa ospital
Nagmamadali sa pag-uwi, walang pambayad kaya't itinaboy
Iduduyan niya hanggang mahimbing
Tuwing pag-ubo ay hahaplusin
Ihehele niya pag magigising
Nagtataka di-gumagaling

Hinihintay dumaan ang oras, nag-aalala sa naiwang anak
Nagmamadali sa pag-uwi kahit di pa tapos ang paggawa
Maduduyan pa ba hanggang mahimbing?
Mahahaplos pa ba niya tuwing uubuhin?
Mahehele pa ba pag nagigising?
Nagtataka ka ba?

Hinihintay masaid ang luha, ang panganay ayaw ng umubo.

Link

Thursday, January 16, 2003

Messages from Em-em

20-Dec-2002 23:52:03
Kim, kumusta na? Pasko na jud no! Cl na nako ni. Mipalit dyud ko kay a must man. Manapat ra ba ni ako amo, kung grabe na ang kasuko.2ud ako na nalang isa dri kay uli na adtong domingo si agnes. Pro ayaw lang balaka nako kay kabalo man ko 'momagic'...:) cge tulog na ko, sau pa ko mata ugma 'nyt...Huhummm..

11-Jan-2003 19:18:20
km, mangumusta lang unta ko. Mingaw man gud dri uy. Ok unta bsag lay kastorya, pro d japon ka rest kay kadalihuk ni amo, hala tawag...LIZA!!pnabundak pa jud...

11-Jan-2003 19:45:54
sukol mo lang. Dli na gud ko tawagon ni amo kong molakaw cya, agakonon man. C kok na lang agak. La pa nako dawat sulat balay; Kanunay man ko ampng dri..lisod na,'guwang na ra ba..ulaw. Maau kay kay nakatxt ka,"dli ma2gkad ang kalipay nga nabat ning dughan kong..."STOP! Me du 'yack' na. Btaw, la pa di ka 2log? Gabi na!

12-Jan-2003 23:02:06
Ako na pod ngau sori nimu kay la dayun ko 2bag imo. Nagpamiskul ra ko aro sulay opn imu cl. Mgtxt unta ko unya tawag man ko ni amo, la na lng. Pag-ampng baya sa nu buha2n sa jan 20, 'stay alyv w/ what u bliv, not "2 die bcos of it..."'Sayang no la ko dra! Agi unta na celebration ako brthd sa. Cge godnyt na...mm

15-Jan-2003 13:35:02
km, naa ka # ate jolie o kay manoy ba kaha? Pakgrit ko ate jolie 'hapi brtd'. Dli man nako kontak balay mao malihog na lan ko imo. Salamat. Cge..c",) Amping nunay

15-Jan-2003 14:58:35
Cge salamat! Ayaw lang nunay sulat nako kay mahal jud, dri worth 25p lang. Sori la dun ko 2bag ngaon na cla mao bc. Ikaw lang unta 2 grit, la unta ka gas2 15p..

Link

Wednesday, January 08, 2003

Tumungo sa kanayunan

Sinulat ng isang kaibigan.

January 8, 2003

Dilat na dilat ang aking mga mata na iniisa-isa ang mga gusali at tindahan sa City pagkababa namin mula sa bus matapos ang lampas sampung oras na biyahe. Madilim na nang umalis ang sinakyan naming jeep galing dito papunta sa lugar kung saan masasaksihan kinabukasan ang pagdiriwang ng anib. Halos dalawang oras din ang iniupo namin sa madilim na sasakyan na bumaybay ng sementadong daan. Madilim dahil maliban sa walang liwanag na nanggagaling sa labas (maliban sa pangilan-ngilang nadadaanang sasakyan at kabahayang maliliwanag) ay pinatay ang ilaw sa loob ng sasakyan para walang ibang makita mula sa labas ng humaharurot na sasakyan kundi anino lamang naming walong "bisita" at iba pang kasama na sumundo sa amin. Halos mga ilang kilometro pa lamang ang inilayo namin sa aming pinanggalingan nang mapansin ko ang nakakasilaw na liwanag na tumagos sa loob ng jeep at nanggaling sa isang tricycle na matagal-tagal ding hindi nawala sa aming buntot hanggang sa hindi na ito makahabol dahil na rin sa dami ng tricycle at jeep na aming nalampasan. Marahil ay napansin din ito ng iba pang sakay ng jeep dahil biglang naging tahimik ang dating malakas na kumustahan, biruan, kwentuhan, at minsan ay takutan ng mga kasama na matagal nang nagkikita-kita sa kalunsuran ngunit noon lang nagkasama sa isang aktibidad na ang seguridad ay mas pinag-iingatan.

Tumigil ang sasakyan, ikinarga ang maraming sako na mukhang ang laman ay bigas o arina, at sumabay ang ilang tao na magdadala ng mga mabibigat na bagong karga. Sa di kalayuan matapos baybayin ang minsan-maputik-minsan-sementadong daan ay ibinaba kami sa isang lugar na walang ibang liwanag kundi mula sa kislap ng mga bituin at walang ibang matatanaw gamit ang liwanag ng spot (flashlight) kundi damuhan, mga puno ng niyog, at isang masikip at maputik na daan. Gaano pa kaya kalayo ang lalakarin namin papunta sa site?

Matapos ang halos limang minutong lakaran ay may natanaw kaming maliit na bahay. Meron na palang ilaw dito. "Nakakakilos na pala sila malapit sa sentrong bayan?" tanong ko sa sarili. Mag-aalas-dose na nang tumuloy kami sa bahay na iyon at nag-briefing. Isang oras pa daw ang lalakarin papunta sa site sabi ng sundo pero pwede kaming doon muna sa bahay ng masa magpalipas ng gabi. "Sa inyo isang oras, sa amin baka dalawa" banggit ng isang bisita.

Sa lugar na ito ay aktibo nang lumalahok ang masa para isulong ang kanilang kagalingan. Ayon sa ulat na aming narinig ay lampas kalahati na raw ang nakukumpiskang lupain dito. Ang mga kumpiskadong lupain ay hindi ibinibigay sa mga walang lupang magsasaka para ariin kundi binubukas sa kanila para pagyamanin at kanilang mapagkunan ng ikabubuhay.

Nagpasya kami na dumiretso na para dun na matulog at makapagpahinga at halos lahat ay excited na ring makita ang lugar kaya tuloy ang maputik na biyahe. Mga isang daang metro na ang aming nalakad nang may napansin kami sa unahan na isang sasakyan, isang jeep. Pinatay kaagad namin lahat ng spot. Buti na lang at malapit kami sa mga matataas na damo. Hinintay naming makaalis ang jeep ngunit huminto ito at nag-park doon mismo sa tapat namin. (Yun pala ang jeep na sinakyan namin kanina at nanggaling na siya dun sa pupuntahan namin para ihatid ang suplay. Kung di na kami bumaba eh konti na lang sana ang maputik na daang lalakarin namin.) Tuloy lang ang lakaran pagkatapos pero binawasan na namin ang paggamit ng spot. Delikado daw.

Kung walang asong tumatahol dahil nakaamoy ng mga di-kilalang baho (o bango), yapak lang ng mga sapatos at sandal at kaluskos ng mga damit at mga dalang gamit ng mga naglalakad ang maririnig sa kapaligiran maliban sa palakas ng palakas na ugong ng isang motor. Nakisabay din sa wakas ang kalangitan. Biglang lumitaw ang kanina pa nagtatagong buwan at pinamalas ang nakakaakit nitong kagandahan na para bang maliwanag na bangkang lumulutang sa napakadilim na karagatan. Ang pagkislap naman ng mga bituin ay sinasabayan ng pagsayaw ng mga alitaptap at pagwagayway ng mga dahon ng mga puno. Sapat na ang liwanag ng buwan para maaninag namin ang isa't-isa at maiwasan namin ang mga matutubig na bahagi ng daan. Mula sa maputik na highway ay pumasok kami sa isang maliit na daan na bahagyang pababa. Nalakad kami ng mga ilang metro at pagkalampas namin sa isang maliit na ilog (di ko talaga nakita ngunit narinig ko ang agos nito) ay dinig na dinig na namin ang ugong ng generator. Abalang-abala pa yata sa paghahanda ang mga kasama para sa gaganaping pagdiriwang bukas pagsilang ng araw. Mga isang oras lang pala talaga ang lakaran.

Sa unang pagkakataon ay nakakita din ako ng mga kasamang katulad ng nakita ko. Nagmukhang mga malalaking paniki ang mga duyan ng mga tulog na kasama sa loob at labas ng nag-iisang bahay sa isang masukal na gubat. Mukhang mahimbing na mahimbing ang kanilang tulog. Marahil ay sobrang nakakapagod ang kanilang ginawa sa buong araw (o sa buong linggo). "Sa ganitong lagay ba ay ang dali-dali pala silang pasukin ng masasamang elemento at gambalain ang kanilang katahimikan?" tanong ko sa aking sarili at siguro ay tanong din ng iba pang bisita na tulad ko ay first time ding nakakita ng mga kasamang katulad ng nakita ko.

Dumiretso kami sa kusina dahil yun lang ang bakanteng bahagi ng bahay at dun na rin namin itutulog ang nalalabing oras bago masilayan ang pagpula ng silangan. "Ganito ba talaga sila ka-lax?" tanong ng isang bisita habang nag-aayos ang bawat isa ng gamit at puwestong matutulugan. Ang sandaling kwentuhan ay naputol ng may pumasok na kasama. Narinig ko na galing siya sa kanyang dating pwesto malapit sa may maliit na ilog na dinaanan daw namin. Marami pala silang nakabantay sa paligid at sinisiguro ang kaligtasan ng bawat isa.

Ayon sa isa sa kanila, bawat isa ay may magagawa dito at walang gawaing maliit o di-importante. Dito ay hindi palaging madali o palaging mahirap ang gawain. Tagaluto, tagalinis, tagabantay, tagasulat, o tagapangasiwa man, bawat kasama ay may silbi.

Ang dami ko pang naisip na mga bagay-bagay hanggang sa bumagsak na ang dati ay dilat na dilat kong mga mata. Sa panaginip ko na lang muna itutuloy ang biyahe para pagpula ng silangan ay maididilat ko ulit ito ng may panibagong lakas. Kailan kaya ako tutungo sa kanayunan ng mas matagal para ipamalas ang aking galing at talino upang pagsilbihan ang tunay na nangangailangan?

Link