Monday, July 13, 2015

Maluwag pa ang Pilipinas!


April 27, 2014
* Sinulat sa loob ng Baganga Provincial Subjail

Sa datos ng gobyerno (NSCB) noong 2010, mayroong 92 milyong Pilipino ang nakatira sa lupaing may lawak na 340 libong kilometrong parisukat. Nakakalat tayo sa 7,107 na isla sa buong arkipelago bagamat 860 isla lang ang permanenteng may nakatira, mga 12 porsyento lang sa kabuuang dami ng lupaing nakausli sa karagatan sa may kanlurang gilid ng Karagatang Pasipiko. Ang buong populasyon ay nahahati hindi lang sa mga isla. Nahahati din tayo sa pamamagitan ng pulitikal na pagbabakod ng mga lupain sa antas barangay, munisipyo o lungsod, probinsya, at rehiyon. Sa purok na rin kung isasama pa natin ang yunit na ito, bagamat walang pambansang lawak na halalan ang itinatalaga para sa pamumuno dito. Mayroong 81 probinsya ang bumubuo sa labing-anim na rehiyon sa bansa. Hindi pa kasama dito ang National Capital Region (NCR) na binubuo naman ng labing-pitong lungsod. Sa antas munisipyo, nahahati ang bansa sa 1,494 na teritoryo. Ang bilang naman ng barangay ay nasa 42,027. Ngunit hindi lang sa iba't-ibang mga isla at pulitikal na teritoryo nahahati ang mga Pilipino; nahahati din tayo sa kultura, wika, relihiyon, hanapbuhay, at maging sa opinyon sa lahat ng isyung kinakaharap natin sa antas lokal hanggang nasyunal at, para sa ilang Pilipino, sa antas internasyunal.

Kung pagbabatayan ang sukatan ng Darwinian na pananaw sa pagiging fit ng isang species, panalo ang mga Pilipino sa larangan ng reproductive fitness. Sa taunang bilis ng paglobo ng populasyon na 2.1% (2010), ang Pilipinas ang pinakamabilis mapuno sa lahat ng bansa sa Timog-Silangan Asya (Southeast Asia). Ang Metro Manila naman ang pinakasiksik sa tao (most crowded) sa lahat ng lungsod sa buong mundo. Nasa mga 19,100 katao sa bawat kilometrong parisukat (sq. km) ang nakasiksik dito. Sa lahat ng rehiyon labas ng Metro Manila, nangunguna naman ang Calabarzon sa pinakasiksik (750 katao kada sq. km) at sinusundan ng Gitnang Luzon (461). Ang dalawang rehiyong ito ang nakapaligid sa Metro Manila kaya masasabing ang population distribution ng Pilipinas ay nakasentro sa NCR at numinipis habang lumalayo dito. Ganunpaman, may mga maliliit na sentro sa ibang bahagi ng bansa. Ang Gitnang Kabisayaan ay pumapangatlo sa pinakasiksik (428), at hindi ito nakakapagtaka dahil nasa gitna nito ang pangalawang sentro ng ekonomiya ng bansa, ang Metro Cebu, kung kasaysayan ang pagbabatayan.


Pang-apat sa pinakasiksik na rehiyon ang Rehiyong Ilokos (365) bagamat mas siksik pa kaysa sa lahat ng probinsya ng Gitnang Kabisayaan ang dalawang probinsya nito, ang La Union (495) at Pangasinan (510), na mas siksik din kaysa sa apat na probinsya (sa total na pito) ng Gitnang Luzon. Isang indikasyon ito na ang "kaunlaran" ay dumadaloy mula sa NCR papuntang hilaga sa pamamagitan ng La Union at Pangasinan. Hindi rin ito nakakapagtaka dahil may isa pang sentro ng ekonomiya sa hilaga na konektado sa dalawang lalawigang ito, ang Lungsod ng Baguio, kung saan ang sentro ng dalawang sangay ng gobyerno, ang ehekutibo at hudikatura, ay lumilipat sa panahon ng pinakamainit na buwan ng taon. Kaya naman ito ang tinatawag na summer capital ng bansa.

Bumalik tayo sa Metro Manila, kung saan nagsisiksikan ang 12 milyong Pilipino o 13 porsyento ng buong populasyon. Sa labingpitong lungsod nito, pinakamarami ang nakatira sa Quezon City (QC) o 2.8 milyon katao. Ngunit hindi ito ang pinakasiksik kundi panglabindalawa lang. Pinakasiksik ang tao sa Manila City kung saan 66,100 katao ang nagkukumpulan sa isang kilometrong parisukat. Sumunod dito ang Mandaluyong (35,300), Pasay (28,100), Navotas (28,000) at Caloocan (26,700). Ang Pateros naman ang pinakamaluwag sa Metro Manila (6,200) at dito rin may pinakakaunting tao (64,100 lang). Pwede rin nating idagdag na baka mas marami pang balut sa Pateros kaysa sa tao, ngunit wala akong datos na hawak para kumpirmahin ito.

Bago tayo dumayo sa lalawigan, mahalagang bangitin na ang mga numero para sa NCR ay kumakatawan sa dami ng taong naninirahan (residence) sa lungsod at hindi ito sumasalamin sa aktwal na dami ng tao sa lungsod na ito sa isang panahon, lalo na sa araw kung kailan nasa pagawaan, opisina, at iba pang lugar ng hanapbuhay ang mga tao. Kaya naman ang population density ng mga karatig na probinsyang Rizal (2,100), Cavite (2,000), Laguna (1,400), at Bulacan (1,000) ay matataas din. Dito din kasi umuuwi ang maraming naghahanapbuhay sa Metro Manila. Malamang may kaugnayan din dito ang mataas na siksikan ng mga tao sa lalawigan ng Pampanga na may 980 katao bawat sq. km at siguradong mas mataas pa ang bilang kung isasama ang syudad ng Angeles sa kalkulasyon.


Gaano ba kasiksik ang tao sa Pilipinas? Totoo ba na sobra-sobra na ang dami ng mga Pilipino (overpopulation)? Tingnan natin ang bilang. Sa populasyong 92 milyon at lawak ng lupain na 340 libong kilometrong parisukat, ang siksik ng tao sa ating bansa ay nasa mga 270 katao bawat kilometrong parisukat. Kasingsiksik ito ng islang probinsya ng Guimaras o ng Siquijor, parehong lugar na hindi pa ako nakakaapak. Napakaliit lang ng diperensya nito sa kasiksikan ng tao sa lalawigan ng Misamis Occidental (276), at sa nakikita ko sa probinsyang ito, napakaluwag pa ng mga lupain, marami pang matitirahan o "mapagtatamnan ng mga pangarap" kung gagamitin ang isang bahagi ng isang kanta ng Asin. Sa ganito kasiksik na lupain, maaaring pagsaluhan ng wala pang tatlong tao ang isang ektarya ng lupain at sama-sama itong pagyamanin. May mga pag-aaral akong nabasa noon na nagtatayang kailangan ng isang pamilya na may apat na tao ng kalahating ektarya ng sakahan upang ito ay magkaroon ng disenteng pamumuhay. Kung tama ito, maaari nating sabihin na ang tamang siksik ng populasyon ay dapat hindi tataas sa 800 katao sa bawat kilometrong parisukat. Masyadong maluwag pa pala ang Pilipinas kung pantay-pantay lang ang pagbabahagi ng lupain sa kasalukuyang populasyon. Kung 800 ang ating sukatan ng overpopulation, mangyayari ito kapag umabot ang populasyon sa 272 milyon. Malapit na ba itong mangyari o malayo pa?

Puntahan natin ang lugar kung saan matatagpuan ang pinakamababang bulkan sa bansa; ang bulkang Taal ay nasa lalawigan ng Batangas na may siksik ng populasyon na 760 bawat square kilometer. Para sa akin, napakaluwag pa ng Batangas. Ang unang impresyon ko pa nga noong una akong nakatuntong sa Batangas City ay "nasaan ang mga tao?" Malapit na sa 800 ang 760 ngunit hindi ko maituturing na overpopulated na halos ang Batangas. Naalala ko pa iyong huling pananaliksik na ginawa ng California Academy of Sciences sa karagatang nakapalibot doon kung saan may nakita silang mahigit tatlong daang (300) species ng marine animals na hindi nila nakita sa kahit anumang talaan ng mga hayop. Indikasyon iyon na hindi pa nakakarating sa tinatawag na carrying capacity ang lalawigang Batangas. Ang carrying capacity ay maituturing na limitasyon sa pagsasamantala ng likas-yaman sa isang lugar, at maaaring gamiting sukatan ng overpopulation.

Kung maluwag pa ang 800, gaano pala kasiksik ang isang populasyon upang umabot ito sa carrying capacity? Hindi ito madaling sagutin, ngunit maaaring sabihing nakadepende ito sa kung paano ginagamit ng populasyon ang kanyang likas-yaman (tulad ng matabang lupain) upang nakapaglikha ng pagkain at iba pa nitong pangangailangan. Ang paggamit ng mas mataas na antas ng teknolohiya para sa produksyon ay maaari ding makapagpataas ng carrying capacity ng isang lugar, bagamat hindi ito sapat na requirement. Para mas maunawaan natin, magbigay tayo ng isang halimbawa.

Kung ang produksyon ay kontrolado ng ilang tao lang sa dahilang sila ang nagmamay-ari ng lupain at iba pang kagamitan sa produksyon, ang karamihan ay walang magawa kundi paghatian ang kung anuman bahagi ng likas-yaman na hindi kontrolado ng iilan. Nangyayari ito sa buong mundo ayon sa UNDP na tumatayang 80 porsyento ng kayamanan sa buong mundo ay hawak ng 20 porsyento lang ng populasyon sa buong mundo. Ang natitirang 20 porsyento ng kayamanan ay pinaghahati-hatian at malamang ay pinag-aaagawan ng karamihan, ng 80 porsyento ng populasyon. Kumbaga ang apat na hati sa tinapay na hinati sa lima ay inangkin ng isang tao lang habang ang natitirang isang hati ay paghahatian pa ng apat na tao. Hindi malayong mag-aaway ang apat na taong ito, ngunit ang kanilang pag-aaway ay hindi dulot ng overpopulation kundi ng hindi pantay na hatian ng buong kayamanan. Medyo mababa pa ang tantya ng UNDP kumpara sa sinisigaw ng kilusang Occupy kung saan isang porsyento na lang talaga ang nagdodomina sa natitirang 99%.

Bumalik tayo sa Pilipinas. Napakadami na talagang tao sa mga sentrong lungsod lalo na sa Metro Manila. Bumibigay na nga pati ang MRT eh. Samantala, napakarami pang lalawigan ang maluluwag. Tandaan na 860 lang na isla ang permanenteng may nakatira. Mayroon pang 6,247 na islang bakante, ngunit karamihan dito ay maliliit kaya wala ding tumitira. Ang bilang ng lalawigan na mayroon lang hindi hihigit sa 100 katao kada kilometrong parisukat ay nasa labing-anim (16). Pito nito ay nasa pinakamalaking isla, ang Luzon, at lima sa pito ay nasa mga kabundukan ng Kordilyera. Ang lalawigan ng Benguet lang ang may mataas na siksik ng populasyon at hindi rin naman ito talaga mataas (193 kung hindi kasama ang Baguio). Ang magkatabing lalawigan ng Aurora at Quirino ay may 64 at 77 lang katao kada kilometrong parisukat, sa parehong pagkakasunod. Ang isla ng Batanes ay nasa 76. Sa rehiyong Mimaropa, dalawang lalawigan ang may mas mababa sa isa kada ektarya na siksik ng populasyon: Occidental Mindoro (77) at Palawan (napakababang 45 kapag hindi isasama ang lungsod ng Puerto Princesa).


Sa Kabisayaan, ang Eastern Samar lang ang may siksik ng populasyon na mas mababa sa isa kada ektarya, 92. (Kung nalilito na kayo, hatiin lang sa 100 ang bilang para mailipat sa ektarya mula sa kilometrong parisukat ang sukatan ng lawak) Hindi rin malayo ang sa Samar (121) at Northern Samar (160); lahat ay nasa pangatlong pinakamalaking isla sa bansa. Nagulat ako sa taas ng bilang para sa isla ng Biliran (302), bagamat mas siksik pa naman ng kaunti ang populasyon sa isla ng Camiguin (352) na mas malapit sa Mindanao.

Sa pangalawang pinakamalaking isla, ang "isla ng pangako", ang Mindanao, limang lalawigan ang may siksik ng populasyon na isa kada ektarya o mas mababa: Davao Oriental (91), Agusan del Norte (94) at Agusan del Sur (66), Maguindanao (91), at Lanao del Sur (62). Hindi rin naman ganun kataas ang bilang para sa iba pang lalawigan ng Mindanao kung saan pinakamataas na ang para sa Misamis Occidental at Davao del Norte (276).

Bago pa bumigay yang MRT, magsilipat na kayo sa lalawigan. Maluwag pa ang Pilipinas!


Link

Tuesday, June 23, 2015

Maraming salamat Almondz!

Ito naman ang sinulat ni Al Mondz para sa Bulatlat.

Salamat Almondz! Ituloy nyo ang movie nights sa kubo. Hahaha! At saka oo nga may sinimulan pala tayong website project na hindi na nabalikan. Sige i-pursue pa rin natin yan. Kulang lang talaga tayo ng kapangyarihan eh. Tingin ko may bato somewhere sa Mt. Diwalwal na magagamit natin para matupad na yang project na yan. Hahaha!

Kuya Kim, kumusta ka na?

Dalawang daan at animpu’t limang (265) araw na mula nang ilegal kang dakipin ng mga elemento ng 67th Infantry Battalion sa Sitio Spur Dos, Barangay Aliwagwag, Cateel, Davao Oriental dahil isa ka raw myembro ng New People’s Army (NPA). Isa sa mga isinampang kaso sa’yo ay multiple frustrated murder. Nang mabalitaan ko yun, napaisip ako na, “Si Kuya Kim na hindi nga makapatay ng ipis, papatay ng mga tao?” Nakakalungkot at nakakagalit isiping kapag nasa kagubatan na, hindi na mapag-iba ng mga militar ang sibilyan sa mga rebelde.

Naalala ko tuloy ang pagpaslang ng mga element ng 19th Infantry Battalion ng Philippine Army sa bantog na ethno-botanist na si Leonard Co noong Nobyembre 15, 2010 kung saan nagsasagawa sya ng pagsasaliksik sa kagubatan ng Kananga, Leyte kasama sina Sofronio Cortez at Julius Borromeo.

Siyam na buwan na mula nang ikulong ka nila sa piitan. Ilang beses na nagkaroon ng paglilitis at patuloy pa rin ang pagdadagdag ng militar ng gawa-gawang kaso laban sa iyo. Heto nga’t gaganapin na naman sana ang paglilitis sa kaso mo ngayong araw, kaso ipinagpaliban na naman. Lalong tumatagal ang ang paglaya mo sa kulungan.

Dahilan ito ng pagkaantala ng pagsasaliksik mo para sa mga nasalanta ng bagyong Pablo. Naaantala tuloy ang pagpapatuloy ng trabaho mo dito sa Maynila. Naaantala tuloy ang pagtapos mo sa thesis mo para sa doctorate mo sa Rijksuniversiteit Groningen, The Netherlands. Higit sa lahat, naaantala ang pag-uwi mo para makapiling ang iyong pamilya.

Kakakita ko lang ng panawagan ng anak mong si Kimiko para palayain ka. Kinurot ang puso ko sa panawagan ng isang musmos na anak para sa pagpapalaya ng ama. Haaay.

Oh, naibalik na ba ang digital camera mong kasama sa mga kinuha sa’yo ng mga sundalo? Huhulaan ko, karamihan ng mga kuha mo ay macroshots (pagpiktyur ng malapitan sa mga maliliit na bagay). Naaalala ko nung isang beses na hawak mo ang digital camera mo at panay ang kuha mo ng mga litrato. Doon ko nalaman na macroshots talaga ang hilig mo. Curious tuloy ako, nakuhaan mo kaya ng macroshots ang mga alitaptap na subject ng pananaliksik mo nung gabi bago ka dinakip ng mga militar? Gusto kong malaman kung mailap ang mga alitaptap o hindi. Ang ganda siguro kung nakuhaan mo sila na kitang-kita ang bioluminescence sa kanilang lower abdomen. Gustung-gusto kong nakakakita ng mga alitaptap dahil bihira sila matagpuan dito sa Maynila, kasi diba sa lugar na may malinis na hangin lang sila matatagpuan?

Naalala ko rin ang iyong kakulitan, inisyatiba at tiyaga na ipunin ang mga kasamahan natin sa opisina at organisasyon tuwing Huwebes para manood ng mga pelikulang iba-iba ang tema at laging may social relevance. Mula sa unang pelikulang psychological-thriller na ‘The Skin I Live’ noong January 10, 2013, hanggang sa WWII era film na ‘Defiance’ noong June 13, 2013, patok lahat tuwing Huwebes. Lalo na ang pelikula ni Nora Aunor na “Minsa’y May Isang Gamu-Gamo.”

Ang nakakalungkot, mula nang nag-field ka dyan sa Mindanao, hanggang sa kasalukuyang pagkakapiit mo, wala na ang Thursday Movie Nights natin.

Pagbalik mo, ipagpatuloy natin ‘yung nabitin nating pagpaplano at pag-develop ng isang website para sa mga proyekto na pwedeng makatulong sa iba’t ibang organisasyong na nagsisilbi sa mamamayan.

Nakaka-miss din ang mga kwentuhan natin na kahit mababaw lang ay biglang lumalalim dahil tinitilad-tilad mo ang “science of it”. Ultimong pag-utot, nakukuha mong ipaliwanag! Ang dami mong sinasabi. Pero sa totoo, malaking tulong ang mga ganoong kwentuhan. Biruin mo, hindi ko na kailangang maglabas ng ilang libo para sa tuition fee. Hindi ko na kailangang mag-enroll sa mga unibersidad kung saan ka nagtuturo. Instant estudyante mo ako tuwing nagkukwentuhan tayo! Passion mo talaga ang pagtuturo, kaya hindi ako nagtataka kung bakit ganoon mo na lang kagusto na padalhan ka namin dyan ng science at math books para sa itinatayo mong People’s Science School para turuan ang mga bilanggong kasama mo dyan.

Sa dalawang daan at animnapu’t limang araw pananawagan namin para palayain ka, bitbit namin ang pag-asa na sa lalong madaling panahon ay lalabas ang katotohanang ikaw ay walang sala, at isa na namang paglabag sa karapatang pantao ang ginawa ng mga militar at ng gobyerno.

Si Joanna Almodal ay community organizer at project officer ng Kalikasan People’s Network for the Environment. Isa sa mga kaibigan ni Prof. Kim Gargar, isang makabayang siyentista, na inakusahan ng gawa-gawang kaso at illegal na ikinulong sa Mati Provincial Jail mula noong October 2013.


Link

Maraming salamat Cathy!

Puslan man nga nasugdan na. Ako na lang pud ipost ning message of support ni Cathy sa kampanyang pagpapalaya sa akin sa bilangguan. Si Cathy ay isang magaling na geologist mula sa National Institute of Geological Sciences sa University of the Philippines Diliman. Nagdalubhasa siya sa geology sa University of Potsdam sa Germany.

Salamat Cath! Wisikan mo naman ako ng mga kaalaman mo sa mga bato. Hahaha!

Kuya Kim is a friend of mine.

He was still in Netherlands when I came to Potsdam for my studies as well so he decided to give me a visit. Kuya Kim came to Potsdam one beautiful summer of July 2012. I offered to pick him up in Potsdam main station (Hbf)and he said that I should because he does not want to get lost in Potsdam. I was giddy with excitement that when I saw him in Hbf I called to him "Kuyaaaa Kiiimmm!!" as I fling my arms around to give him a tight embrace. He met me with his signature cheerful smile- a smile that is fulfilled with a graceful squinting of the eyes that will never fail to make you smile in return.

He then started complaining about the heat and how much he had sweated. And I blamed it to the polo shirt he is wearing and I contested that he was not sweating, he was raining. I rarely see Kuya Kim dress in formal clothes like that. He is usually in his plain shirt particularly those with calls like "Science and Technology for the People", and the one with a quote from Albert Einstein " Man can find meaning in life, short and perilous as it is only by devoting himself to society" among others. He wanted to walk nevertheless, so we did until my flat. It was a pretty long walk of 30 minutes but we filled it with stories, questions to catch-up and as usual laughter that before we know it we were already in my flat's doorsteps.

Kuya Kim is a guy who never seem to run out of ideas and thoughts. I introduced him to my friends here in Potsdam and at an instant they liked him. He talked about his fascination about biological clocks and advised us that we should stop forcing ourselves to wake up in the morning with alarm clocks (we are so delighted with this advice by the way). Instead, we should just let our biological clocks function naturally, and that this could lead to a more healthy body and optimum working habits (for us it means longer sleep time!). In a birthday dinner that we went, my friends from India were impressed by how much he knows about Bhagat Singh (one of the revolutionaries in India) and other personalities I could hardly recall.

He is such a pleasant person to talk with as he listens well to other thoughts as well with candor. You can hardly leave him out of place in any crowd. Even the concerted effort of three female geologists from different corners of the world to tease him being the only physicist in the group did not work.

We went around Potsdam with him wearing a shirt that reads "Free Ericson Acosta". During that time, Potsdam is having a music festival and we scoured all the booths to dance every music (salsa, modern, hiphop, etc.) we hear. He also insisted of going to the videoke bar in Potsdam where he sang "El Condor Pasa" by Simon and Garfunkel where he received a loud roar of claps from partying Potsdamers!


This is me and Kuya Kim sitting on the grasses in Park Sans Soucci, Potsdam. I was forcing him to look at the camera but he was distracted by the "very interesting" bug he saw in the grasses! Ang kulit lang talaga!

While Kuya Kim can be very cheerful, funny and sometimes even bordering to 'crazy' kind of person who never fails to make fun of almost everything, he is in all seriousness and sincerity when he talks about service to the people. During our breakfasts and dinners, he would tell me about the significance and urgency of scientists like us to be part of building a nation. In a very concrete way, he said that scientists like us should use our talents to help solve people's problems or promote their understanding of nature's processes in a scientific way. At the same time he also believes that he can learn a lot from people's experiences and that his science will continue to grow as he work more closely with the people. I can feel the burning passion that he has in pursuing a life of a true iskolar ng bayan and scientist for the people. Indeed, in his heart he feels that his life's meaning is by devoting himself to society.

True to his words and passion, he went back to the Philippines and started working on projects to address peoples needs like he did in the Environmental Impact Assessment for typhoon Pablo. He could have chosen to stay in Europe or anywhere else in the world to find good position and better compensation, but his determination to use his knowledge for our fellowmen cannot be wavered. As such, he should be immediately released so he could continue to use his talents in service of the people.

Free Kim Gargar Now!

Link