Madalas nating maririnig o mababasa ngayon sa TV, radyo at dyaryo ang terminong climate change. Pero ano nga ba ito? Hindi ba’t palagi namang nagbabago ang panahon? Eh ano ang kaibahan ng climate change sa likas na pagbabago ng panahon? Ito ang ilan sa mga katanungan na madalas maririnig sa mga debate tungkol sa climate change—mga pundamental na tanong na mas pinapatampok pa lalo ng mga skeptiko o mga taong hindi naniniwala sa climate change.
May dalawang uri ng pagbabago sa pisikal na mundo: dynamical na pagbabago at structural na pagbabago. Subukan nating unawain ang dalawang uri ng pagbabagong ito sa pamamagitan ng ilang metaporikal na pagpapaliwanag gamit ang ilang simpleng bagay na nakikita natin sa paligid. Ang pag-aaral ng liknayan (Physics sa wikang Ingles) ay sumusunod sa ganitong pamamaraan—ang paggamit ng mga metapora—para maintindihan at maipaliwanag ang pisikal na mga bagay.
Gamitin nating halimbawa ang kumukulong mantika sa isang patag na kalan. Kung manipis lang ang mantika at katamtaman lang ang apoy, mapapansin na may regular na mga hugis ang kumukulong mantika. Ang mga regular na hugis na ito ay parang mga maliliit na buhawi* ng mantika. Ang pagbabago na nararanasan ng mantika mula sa malamig na sitwasyon hanggang sa kumukulong porma nito ay isang uri ng dynamical na pagbabago.
Habang kumukulo ang mantika, umiikot at bumibiyahe sa iba’t ibang posisyon sa loob ng mantika ang molecules nito. Sa madaling salita, nagbabago ang posisyon (pati na rin ang bilis ng pagtakbo) ng molecules. Dynamical ang pagbabagong ito dahil wala naman tayong binabago sa kabuuang sitwasyon: Nananatiling katamtaman ang apoy at hindi natin dinadagdagan o binabawasan ang mantika (napapanitili natin ang nipis ng mantika). Ang lakas ng apoy at dami ng mantika ay tinatawag na parameters.
Kung lalakasan natin ang apoy o bubuhusan ang kalan ng dagdag na mantika, magbabago rin ang takbo ng molecules at maaaring magbago din maging ang hugis ng mga buhawi (bagama’t maaaring regular pa rin ito). Ang pagbabago na ito’y isang halimbawa ng istruktural na pagbabago. Ang istruktural na pagbabago ay dala ng pagbabago ng parameters ng isang sistema. Sa sistema ng pinapakuluang mantika, ang pagbago ng parameters ay nagpabago ng hugis ng mga buhawi maliban pa sa ibang mga pagbabago sa sitwasyon.
Kung lalakasan pa natin lalo ang apoy, may iba pang mga istruktural na pagbabago ang ating mapapansin. Kung sobrang malakas ang apoy, maaaring masusunog ang mantika at mapapansin ang pagbabago ng kulay at amoy nito, ilan sa mga istruktural na pagbabagong nangyari sa kumukulong mantika. Sa kabilang banda, kung papanatilihin naman ang lakas ng apoy ngunit babaguhin ang lalim ng mantika sa pamamagitan ng pagbuhos sa kalan ng napakaraming mantika, posibleng mawawala na ang regular na mga hugis at magiging paiba-iba ang laki at hugis ng mga buhawi.
Gumagalaw ang sangkahanginan (atmosphere) ng ating mundo, dala na rin ng pag-init ng mga kontinente at mga karagatan. Ang sikat ng araw na napipigilang makalabas sa ating mundo ng mga gas sa hangin na tinatawag na greenhouse gases (GHG) ay lalong nakakadagdag sa pag-init ng mundo. Ang napakaraming binubuga na GHG ng industriyalisadong mga bansa ang siyang dahilan ng mabilis na pagkonsentra ng GHG sa sangkahanginan nitong nakaraang siglo. Ang pagbabago na ito ng ating klima ay isang istruktural na pagbabago at ang tinutukoy na pinakadahilan ng istruktural na pagbabagong ito ay ang napakadaming GHG na dinagdag sa ating sangkahanginan—ang climate change ay isang istruktural na pagbabago at ang dami ng GHG sa sangkahanginan ay ang pangunahing parameters dito.
Dahil dito, mas maraming sikat ng araw ang nananatili sa ating mundo, imbes na makalabas mula dito papunta sa kalawakan. Nagresulta ito sa mas mabilis na pag-init ng ating mundo at nagpabago sa galaw ng hangin: mas malakas at mas madalas na bagyo at pag-ulan ang nararanasan at patuloy pang mararanasan ng mga bansang nasa paligid ng malalaking karagatan—Pasipiko, Atlantiko, at Indian.
Sino ngayon ang may pananagutan sa mga kalamidad na dala ng climate change? Malinaw na ang malalaking industriyalisadong bansa tulad ng Estados Unidos, European Union, at Hapon na siyang may pinakamaraming idinagdag na GHG sa sangkahanginan ng mundo ang may malaking pananagutan sa climate change. Halos walang naidagdag dito ang Pilipinas, 0.3% lamang, ngunit tulad ng iba pang mahihirap na bansa’y nakakaranas ng malawakang pagkasira ng buhay, kabuhayan, at tirahan dulot ng mga kalamidad na kaakibat ng climate change. Isa ang Pilipinas sa mga nangungunang sampung bansa na pinaka-apektado ng climate change. Kaya naman lumalakas ang panawagan ng mahihirap na mga bansa na magbayad ang mayayamang mga bansa.
Hanggang ngayon, gumagawa ang mayayamang bansa ng kung anu-anong taktika para lang matakasan ang kanilang pananagutan. Ang mga taunang negosasyon ng mga bansa para magtalaga ng pondo para sa mitigasyon (pagbawas sa masamang epekto), adaptasyon (pag-angkop sa mga pagbabago), at pagbangon mula sa mga kalamidad tulad ng bagyo, landslide, at baha, ay paulit-ulit na nauuwi sa wala. Paulit-ulit itong pinapaasa ang mahihirap na mga bansa sa pangako ng mga mayayamang bansa.
Patuloy na bumubuga ng GHG ang mayayamang bansa na siyang lalong nagpainit sa ating mundo. Patuloy din nating pagkaisahin ang buong bayan, hindi lamang para makaangkop sa mga kalamidad na dulot ng climate change, kundi para mapalakas ang ating boses sa pandaigdigang pangangalampag at paniningil. Kasama natin sa paniningil na ito ang naghihirap na mga mamamayan ng iba pang mahihirap na bansa at progresibong mga mamamayan ng mga mayayamang bansa. Bilang isang istruktural na pagbabago, nangangailangan din ng istruktural na pagbabago sa lipunan ng buong daigdig ang climate change. At isa sa susing parameters dito ay yung kontrol ng mga mamamayan sa pagpapatakbo ng mga industriya.
*Ang mga maliliit na buhawi na may regular na hugis na nabanggit sa itaas ay tinatawag ng mga siyentista na Bénard convection cells. Panoorin ang isang bidyo ng kaparehang pangyayari dito: ow.ly/jHmsM
Tuesday, April 16, 2013
Wednesday, March 27, 2013
Bakit pinag-initan si Galileo ng Simbahang Katoliko
Marami ang nakakakilala sa pangalang Galileo Galilei, isang pilosopo na binabansagang “ama ng makabagong siyensiya.”
Image: WikipediaNag-aral siya ng mga batas ng paggalaw ng mga pisikal na bagay. Itinuturing si Galileo bilang pangunahin sa “higanteng mga tinutuntungan” ng isang kilalang siyentista na si Isaac Newton. Naging bantog siya sa kanyang mga paliwanag kung paano gumagalaw ang pisikal na mga bagay at iba pang mga katangian nito. Kasama na rito ’yung teorya ng pag-inog ng mga planeta at iba pang bagay sa kalangitan – bagay na kinagalit ng mga pari sa Vatican at humantong sa pagkakulong niya sa isang bahay sa Siena (house arrest) ng limang buwan.
Inilathala noong 1632 ang aklat ni Galileo na “Dialogue Concerning The Two Chief World Systems”. Sa aklat na ito, kinumpara niya ang dalawang teorya hinggil sa pag-ikot ng mga planeta: ang magkaibang teorya ni Ptolemy at Copernicus. Ang teorya ni Ptolemy, na galing pa sa mga teorya ng mas naunang pilosopo na si Aristotle, ay niyakap at binitbit ng Simbahang Katoliko sa Vatican nang mahigit isang milenya. Sa teoryang ito, nasa sentro ng lahat ng mga bagay sa Daigdig (universe) ang Mundo (earth); paikot sa mundo ang galaw ng mga bituin, ang buwan, at ang araw. Ginamit ito ng Vatican para bigyang-diin ang pagiging espesyal ng tao sa mata ng Diyos.
Taong 1543 nang inilabas ni Mikolaj Kopernik (o Nicolaus Copernicus sa wikang Ingles) ang kanyang teorya tungkol sa paggalaw ng mga bagay sa kalangitan (heavenly bodies). Ayon sa teorya niya, Araw at hindi ang Mundo, ang sentro ng lahat ng mga bagay sa kalangitan kasama na ng Mundo mismo. Pinaliwanag niya, ang paggalaw ng Araw na nakikita natin sa ating mundo bilang epekto ng pag-ikot ng Mundo sa axis nito, habang nananatili ang araw sa kanyang lokasyon. Taliwas ito sa itinuturo ng teorya ni Ptolemy, na siya ding itinuturo ng Simbahang Katoliko sa panahong iyon. Sa aklat ni Galileo, pinaboran niya ang teorya ni Copernicus, bagay na kinagalit ng Simbahan.
Inimbestigahan si Galileo at sinampahan siya ng kaso sa Korte ng Simbahan (Inquisition). Hinatulan siya ng pagkabilanggo at inutusang bawiin ang kanyang mga sinulat at itakwil ang mga ideyang maka-Copernicus. Anim sa sampung huwes ang pumirma sa naturang hatol. Sa isang pormal na seremonya sa simbahang Santa Maria sopra Minerva, inanunsiyo ni Galileo ang kanyang pagtanggap ng kamalian at ang pagtakwil sa mga ideyang maka-Copernicus. Pagkatapos ng seremonya ay ikinulong siya sa isang bahay sa Sienna. Dito niya sinimulang isulat ang kanyang huling aklat.
Pinagbawalan si Galileo ng Roman Inquisition na ilathala ang alinman sa kanyang mga aklat dahil nagpapalaganap ito ng mga ideyang taliwas sa tinuturo ng Vatican sa mga panahong iyon. Nang bumisita ang isang mayamang Olandes na si Louis Elzevir sa Italya noong 1636, nagkaroon ng pagkakataon si Galileo na ipuslit ang kanyang aklat para mailathala at maisapubliko.
Noong 1638, inilabas ng palimbagan ni Elzevir sa Olanda, isang bansang malayo sa impluwensya ng Roma, ang aklat ni Galileo na Dialogue Concerning Two New Sciences. Dito ipinaliwanag ni Galileo ang kanyang mga teorya tungkol sa pisikal na mga bagay at ang kanilang paggalaw. Katulad ng estilo sa naunang aklat, hindi niya diretsahang isinalaysay ang kanyang mga teoryang kundi sa pamamagitan ng pag-uusap ng tatlong taong may kinakatawang kaisipan at personalidad. Ating kilalanin ang tatlong taong ito.
Si Salviati ang nagdadala ng kaisipang Copernicus at bitbit din niya ang mga teorya ni Galileo mismo. Si Sagredo nama’y karaniwang tao na inosente sa mga bagay-bagay na pinag-uusapan sa Dialogue. Pero may angking talino siya para mabilis na maunawaan ang mga paliwanag ni Salviati. Sa dulo ng bawat pag-uusap sa loob ng apat na araw, naliliwanagan si Sagredo tungkol sa paksang pinag-uusapan at humahantong sa pagpanig niya kay Salviati.
Ang pangatlong kasali sa pag-uusap ay si Simplicio na siyang nagbibitbit ng kaisipang Ptolemy at Aristotle, mga kaisipang niyayakap din ng Simbahang Katoliko sa panahong iyon. Sa madaling salita, si Simplicio ang kumakatawan sa Simbahan. Magkasalungat ang mga ideya ni Simplicio at Salviati, samantalang si Sagredo naman ay pilit inuunawa ang paliwanag ng dalawa. Silang tatlo ang mga karakter sa dalawang aklat ni Galileo at ang kanilang pag-uusap ay umiikot sa mga bagay na nais bigyang pansin ni Galileo.
Malaki ang naging ambag ni Galileo sa pag-unlad ng siyensiya at ng mga lipunan sa Europa at sa buong mundo. Marami sa kanyang mga ideya’y napatunayang tama at naging tuntungan ni Isaac Newton at iba pang mga siyentista sa mga sumunod pang mga siglo para paunlarin pag-unawa natin sa paligid at daigdig.
Noong 1983, tatlo’t kalahating siglo matapos ang pagkakulong kay Galileo, opisyal na ipinahayag ng Simbahang Katoliko sa Vatican na maaaring tama ang mga teorya ni Galileo.
Image: WikipediaInilathala noong 1632 ang aklat ni Galileo na “Dialogue Concerning The Two Chief World Systems”. Sa aklat na ito, kinumpara niya ang dalawang teorya hinggil sa pag-ikot ng mga planeta: ang magkaibang teorya ni Ptolemy at Copernicus. Ang teorya ni Ptolemy, na galing pa sa mga teorya ng mas naunang pilosopo na si Aristotle, ay niyakap at binitbit ng Simbahang Katoliko sa Vatican nang mahigit isang milenya. Sa teoryang ito, nasa sentro ng lahat ng mga bagay sa Daigdig (universe) ang Mundo (earth); paikot sa mundo ang galaw ng mga bituin, ang buwan, at ang araw. Ginamit ito ng Vatican para bigyang-diin ang pagiging espesyal ng tao sa mata ng Diyos.
Taong 1543 nang inilabas ni Mikolaj Kopernik (o Nicolaus Copernicus sa wikang Ingles) ang kanyang teorya tungkol sa paggalaw ng mga bagay sa kalangitan (heavenly bodies). Ayon sa teorya niya, Araw at hindi ang Mundo, ang sentro ng lahat ng mga bagay sa kalangitan kasama na ng Mundo mismo. Pinaliwanag niya, ang paggalaw ng Araw na nakikita natin sa ating mundo bilang epekto ng pag-ikot ng Mundo sa axis nito, habang nananatili ang araw sa kanyang lokasyon. Taliwas ito sa itinuturo ng teorya ni Ptolemy, na siya ding itinuturo ng Simbahang Katoliko sa panahong iyon. Sa aklat ni Galileo, pinaboran niya ang teorya ni Copernicus, bagay na kinagalit ng Simbahan.
Inimbestigahan si Galileo at sinampahan siya ng kaso sa Korte ng Simbahan (Inquisition). Hinatulan siya ng pagkabilanggo at inutusang bawiin ang kanyang mga sinulat at itakwil ang mga ideyang maka-Copernicus. Anim sa sampung huwes ang pumirma sa naturang hatol. Sa isang pormal na seremonya sa simbahang Santa Maria sopra Minerva, inanunsiyo ni Galileo ang kanyang pagtanggap ng kamalian at ang pagtakwil sa mga ideyang maka-Copernicus. Pagkatapos ng seremonya ay ikinulong siya sa isang bahay sa Sienna. Dito niya sinimulang isulat ang kanyang huling aklat.
Pinagbawalan si Galileo ng Roman Inquisition na ilathala ang alinman sa kanyang mga aklat dahil nagpapalaganap ito ng mga ideyang taliwas sa tinuturo ng Vatican sa mga panahong iyon. Nang bumisita ang isang mayamang Olandes na si Louis Elzevir sa Italya noong 1636, nagkaroon ng pagkakataon si Galileo na ipuslit ang kanyang aklat para mailathala at maisapubliko.
Noong 1638, inilabas ng palimbagan ni Elzevir sa Olanda, isang bansang malayo sa impluwensya ng Roma, ang aklat ni Galileo na Dialogue Concerning Two New Sciences. Dito ipinaliwanag ni Galileo ang kanyang mga teorya tungkol sa pisikal na mga bagay at ang kanilang paggalaw. Katulad ng estilo sa naunang aklat, hindi niya diretsahang isinalaysay ang kanyang mga teoryang kundi sa pamamagitan ng pag-uusap ng tatlong taong may kinakatawang kaisipan at personalidad. Ating kilalanin ang tatlong taong ito.
Si Salviati ang nagdadala ng kaisipang Copernicus at bitbit din niya ang mga teorya ni Galileo mismo. Si Sagredo nama’y karaniwang tao na inosente sa mga bagay-bagay na pinag-uusapan sa Dialogue. Pero may angking talino siya para mabilis na maunawaan ang mga paliwanag ni Salviati. Sa dulo ng bawat pag-uusap sa loob ng apat na araw, naliliwanagan si Sagredo tungkol sa paksang pinag-uusapan at humahantong sa pagpanig niya kay Salviati.
Ang pangatlong kasali sa pag-uusap ay si Simplicio na siyang nagbibitbit ng kaisipang Ptolemy at Aristotle, mga kaisipang niyayakap din ng Simbahang Katoliko sa panahong iyon. Sa madaling salita, si Simplicio ang kumakatawan sa Simbahan. Magkasalungat ang mga ideya ni Simplicio at Salviati, samantalang si Sagredo naman ay pilit inuunawa ang paliwanag ng dalawa. Silang tatlo ang mga karakter sa dalawang aklat ni Galileo at ang kanilang pag-uusap ay umiikot sa mga bagay na nais bigyang pansin ni Galileo.
Malaki ang naging ambag ni Galileo sa pag-unlad ng siyensiya at ng mga lipunan sa Europa at sa buong mundo. Marami sa kanyang mga ideya’y napatunayang tama at naging tuntungan ni Isaac Newton at iba pang mga siyentista sa mga sumunod pang mga siglo para paunlarin pag-unawa natin sa paligid at daigdig.
Noong 1983, tatlo’t kalahating siglo matapos ang pagkakulong kay Galileo, opisyal na ipinahayag ng Simbahang Katoliko sa Vatican na maaaring tama ang mga teorya ni Galileo.
Link
Sunday, March 24, 2013
Paano ba pumunta sa Civil Service Commission sa Quezon City?
Madali lang. Sumakay lang ng jeep na dumadaan ng Sandigan (pinaikli ng Sandigang Bayan). Yung mga jeep na papuntang Fairview o Litex ay dumadaan ng Sandigan. Dumadaan din sila sa Philcoa malapit sa UP-Diliman. Bumaba ng Sandigan at hanapin ang terminal ng trayk (pinaikli ng tricycle) papuntang Batasan. Sumakay ng trayk at sabihing ibaba sa Civil Service. Mga isa't kalahating kilometro ang layo nito.
Link
Subscribe to:
Comments (Atom)

