Tuesday, December 27, 2011

Mga malalaking tuklas sa agham sa taong 2011

Pakinggan ang 31-minutong podcast ng Science magazine kung saan binanggit ang mga malalaking tuklas sa agham at teknolohiya sa taong 2011. Ang mga tinatawag na "Breakthroughs of the Year, 2011" ay maaari ding makita dito at nakalista sa baba kalakip ang ilang maiikling paliwanag. Nawa'y maging makabuluhan ang mga tuklas na ito sa pagpapaunlad ng buhay ng sangkatauhan sa susunod at mga susunod pang taon.



  1. HIV Treatment as Prevention

  2. In May of this year, the 052 clinical trial conducted by the HIV Prevention Trials Network (HPTN) reported that antiretroviral drugs (ARVs) reduced the risk of heterosexual transmission by 96%.

  3. Asteroid Dust Solves Color Conundrum

  4. In the 26 August 2011 Science, six Reports, plus related news and commentary, discuss the mineralogy, petrography, chemistry, and noble gas and oxygen-isotope compositions of the Itokawa particles, which provide insights into the evolution of the solar system.

  5. Archaic Humans' DNA Lives On

  6. In September 2011, two papers suggested that early Homo sapiens interbred with now-extinct forms of humans in Africa, so that some living Africans carry genes from archaic people, just as all Europeans and Asians recently have been shown to do. The new data imply that there were at least three fruitful encounters between H. sapiens and archaic species.


Basahin ang iba pang breakthrough sa taong 2011

Link

Friday, December 09, 2011

Swapang at makasarili nga ba ang daga?

(Hango sa news article: Rats free each other from cages; Altruistic acts raise questions about whether the rodents feel empathy na sinulat ni Virginia Gewin, December 8, 2011.)

Ang mga daga, madalas mabansagang swapang at makasarili, ay maaaring hindi kasingsama ng kontrabidang imaheng minsan ipinipinta sa kanila. Sa isang bagong lathalang papel sa Science [1], ipinakita na ang mga hayop na ito ay tumutulong na palayain ang mga nakakulong na ibang daga -- kahit pa wala silang makuhang ganansya dito.

Dumadami ang mga pananaliksik na nagpapakitang ang mga hayop ay nakikinig din sa emosyon ng ibang kaparehang hayop. Subali't hindi malinaw noon kung ang mga daga nga ba ay kayang lampasan ang sarili nitong paghihirap para lang matulungan ang ibang daga.

Panoorin ang bidyo clip sa baba o ipagpatuloy ang pagbabasa...



Tingin ni Peggy Mason, isang neurobiologist sa University of Chicago, Illinois at siyang pangunahing manunulat ng nasabing papel, ay malaking hakbang ito para masagot ang katanungan. “This finding is the big kahuna — evidence that empathy motivates one individual to help another,” sabi nya. (Ang finding na ito ay isang patunay na natutulak ng empathy ang isang indibidwal para tulungan ang iba.)

Matapos ang dalawang linggong pagpapakilala, ilang pares ng daga ay inilagay sa isang arena. Ang isa ay nakakulong sa isang restrainer sa gitna, samantalang ang pangalawa ay malayang nakakagalaw sa paligid nito. Sa ikaanim o ikapitong araw, on average, natutunan ng malayang daga kung paano palayain ang nakakulong na daga. Madalang na binubuksan ng malayang daga ang kulungan kung walang daga sa loob o di kaya'y laruang daga lamang ang nasa loob nito.

Ipagpatuloy ang pagbabasa (Ingles).

Reference
[1] Bartal, I. B.-A., Decety, J. & Mason, P. Science 334, 1427–1430 (2011), Empathy and pro-social behavior in rats.

Link